masakit

nanood ako ng MMK sa kadahilanang si Angel Locsin ang bida.

ngunit hindi ko akalain na papaiyakin ako ng episode na ito.

papaiyakin ng balde-baldeng luha.

bakit ganito? bakit ako apektado? hindi ko alam.

hindi ko alam o ayaw ko lang aminin sa sarili ko na minsan ay umibig din ako, nasaktan, nadapa at bumangon.

hindi ko alam kung kanino ako mas naaawa, sa asawa o sa kabit? bakit ganun?

Advertisements
Published in: on February 13, 2010 at 12:28 pm  Comments (10)  
Tags: