pula ang kulay ng pag-ibig

Lahat ng babae nangangarap na makapag-suot ng gown, maliban sa mga babaeng gustong maging lalaki.

Lahat ng babae nangangarap maihatid ng mga magulang sa altar kung saan naghihintay ang mapapangasawa.

Lahat ng babae nagdadasal na sana hindi yung groom kundi yung bestman ang napakasalan na sana tama ang desisyon at ang mga katagang nasambit sa harap ng Pari.

Lahat ng babae nangangarap na ibigin at sambahin ng lalaking pinangarap makasama sa buhay.

At isa sa mga babaeng yun ay ang aking kaibigan na si Luningning.

Damang-dama ko ang saya at sigla niya nung araw ng kasal niya,

Ang pag-ibig na nagbibigay kulay sa buhay niya.

Dalangin ko sa araw ng kaarawan niya (ngayon yun) na sana ay  maging maligaya siya sa buhay kasama si Ruben.

Advertisements
Published in: on July 28, 2010 at 11:50 am  Comments (1)  
Tags: ,

minsan sa buhay ko

minsan sa buhay ko, naniwala ako sa salitang pag-ibig…

at minsan sa buhay ko ay nadama ko ito…

naniwala, nagtiwala, umasa…

pero nabigo ako sa pag-ibig na dumaan sa buhay ko…

kaya hindi nyo ako masisisi kung natatakot na ako na sumugal ulit…

natatakot na magmahal at masaktan muli…

subalit umaasa pa rin ako, na sana…

dumating muli ang minsan na iyan sa buhay ko…

na sana, sa panahong ito hindi na ako magkamali…

Published in: on May 27, 2010 at 9:21 am  Comments (19)  
Tags:

please lang, tigilan mo na ako

oo, tigilan mo na ako…

tapos na tayo…

‘nung sinabi mong ayaw mo na sa akin at hindi mo na ako mahal…

pwede ba? tigilan mo na ang pgse-send ng mms sa akin,

ng mga lumang pictures at letters ko sayo…

hanggang doon nalang yun at wala ng karugtong…

hindi tayo teleserye para magkaroon ng “may bukas pa” at “sana maulit muli”

hindi rin tayo movie para magkaroon ng “if only”

at lalong hindi tayo history na pabalik-balik lang ang nangyayari…

matagal ko nang nilagyan ng tuldok ang ating relasyon,

natapos ito nung tinalikuran mo ako…

wag ka ng umasa, dahil wala kang maasahan…

Published in: on April 26, 2010 at 2:01 pm  Comments (24)  
Tags:

ang puso ko

hindi dahil eto ako ngayon,

ganito na ako dati pa…

kung nakikita nyo na matigas ako,

na para bang wala na talagang pag-asang umibig pa,

yun ay dahil ayoko ng masaktan pa…

minsan sa buhay ko nagmahal, minahal at nagpaloko din ako…

hindi ko sinasabing lahat ng lalaki ay manloloko…

hindi ko rin sinasabing lahat sila ay mababait…

siguro nagkataon lang, na hindi talaga kami ang para sa isa’t-isa…

basag na ang puso ko, durog na durog na…

kaya hindi ko alam kung saan ako magsisimula…

hahanapin ko muna ang mga piraso nitong aking puso,

dahan-dahang tatahiin…

unti-unting gamutin

ang mga sugat at baka maghilom pa ito

at muling matutong umibig…

Published in: on April 26, 2010 at 1:46 pm  Comments (7)  
Tags:

LSS – Last Song Syndrome

kailanman, ‘di ka masasaktan. Kahit na ano’ng mangyari, tayo ay magmamahalan. At sa pagsapit ng dilim, ‘di mawawalay. Pag-ibig ko ay tunay.


ito ang mga kantang paulit-ulit na tumutugtog sa aking isipan,

ayaw mawala,

ayaw mawaglit,

ito daw yung tinatawag na LSS Last Song Syndrome

pero di ko naman narinig ito,

nabasa ko lang sa status ng isang kaibigan,

subalit paulit-ulit itong naglalaro sa aking isipan,

hanggang sa kantahin ko na,

at ginawan ng post dito sa wordpress.

pero habang kinakanta ko ito,

ay naalala ko ang aking nakaraan,

ang aking minamahal,

naalala ko ang mga pangakong sinabi nya,

tulad ng mga salitang ipinahihiwatig ng kanta,

mga pangakong akala mo ay pang-habang buhay na…

ilang ulit na ba tayo nakarinig nga mga ganitong pangako?

pangako ng pag-ibig,

pangako ng walang hanggang pagmamahal,

hanggang pangako nalang ba tayo?

Published in: on April 13, 2010 at 10:33 am  Comments (4)  
Tags:

bakit?

bakit ba sa tuwing may nakikita akong umiibig eh naeenganyo na rin akong umibig?

pero wala naman akong makitang taong pwede kong ibigin…

bakit ba sa tuwing may nakikita akong nagka-holding hands eh nami-miss ko ang may ka HHWW?

pero ayaw ko naman na may ka holding hands…

bakit ba sa tuwing may nababasa akong love quotes eh gusto kong may magsabi din nun sa ‘kin?

pero takot pa rin akong sabihin yun sa ibang tao…

takot na kasi akong umibig…

ayoko na…

hanggat hindi ako sigurado sa taong mamahalin ko,

hindi ko ipagpipilitan…

hindi naman ako ng mamadali eh…

Published in: on March 28, 2010 at 12:35 pm  Comments (4)  
Tags:

naiinis na ako

naiinis na ako sa mga trending topics sa twitter,plurk,facebook pati na rin sa blogosperyo.

BAKIT?

dahil Pebrero na at kung hindi tungkol sa pag-ibig,pagmamahal,bulaklak,tsokolate o valentines date ang nababasa ko ay puro naman ka-emohan ng mgataong nasasaktan, nami-miss yung mga ex, yung mga katagang nakakairita ng pakinggan dahil paulit-ulit na kung minsan.

PWEDE BA!

kung may boypren o gerlpren kayo ngayong balentayns hindi ko kailangan malaman kung saan,kelan,at kung ano ang gagawin nyo ngayong balentayns.

kung walang boypren o gerlpren hindi ko rin kailangan malaman kung bakit kayo iniwan o niloko ng mga naging ex nyo.

kung malungkot kayo ngayong balentayns ‘wag nyo naman akong idamay sa kalungkutan nyo.

kung masaya kayo ngayong balentayns kahit mag-isa, two thumbs up ako sa inyo.

Published in: on February 10, 2010 at 11:49 pm  Comments (18)  
Tags:

SINGLE AWARENESS MONTH

SINGLE AWARENESS MONTH has officially started.

February- the month where we celebrate Valentine’s Day is also called the “month of love” for those who are happily married,in a relationship,exclusively dating and its complicated people.

BUT for us who are single, February is called “single awareness month”.

WHY? That I do not know.

Bakit nga ba? Bakit sa tuwing buwan na ng mga puso eh pinapadalhan ako ng mensahe na sino daw yung mga pupunta sa Luneta at katulad ni Jose Rizal ay magpapakamatay (Firing Squad). Isa lang po ang masasabi ko, hindi po ako magpapakamatay dahil wala akong ka-date sa Valentines Day.

Kung SINGLE ka at VALENTINES na, aba matuwa ka. Dahil makakatipid ka.

OO, malaking OO, makakatipid dahil kung lalaki ka :

(1) wala kang bibilhan ng geps

(2) wala kang bibilhan ng bulaklak

(3) wala kang ide-deyt sa mamahalin an resto o sa turo-turo

(4) hindi mo kailangan gastahin ang sahod mo sa isang buwan para lang sa isang araw na deyt.

Makakatipid ka kapag babae ka sa ganito :

(1) di mo kailangan pumunta sa parlor at mgpaganda dahil sa deyt mo

(2) hindi ka makakabili ng geps para sa bf mo

(3) hindi makukunan ang pang-shopping mo

(4) may panahon ka pa sa feysbok mo

HINDI po AKO BITTER dahil wala akong DATE! Sinasabi ko lang po kung ano ang matitipid mo kung wala kang DATE!

Published in: on February 1, 2010 at 10:08 am  Comments (33)  
Tags: , ,

bakit ako S-I-N-G-L-E?

DAHIL:

  • masyadong mataas ang standards ko
  • nahihirapan na akong magtiwala sa mga lalaki
  • hindi nanliligaw sa akin ang gusto ko
  • mailap talaga ang pag-ibig
  • hindi pa ako handa sa mga relasyon na yan
Published in: on January 28, 2010 at 10:43 am  Comments (8)  
Tags:

Bakit mahirap magmahal ng totoo?

Bakit mahirap magmahal ng totoo?
Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na ‘yan. Bigla nalang pumasok sa isipan ko. Napaka-lalim at parang hindi ko maunawaan. Ano nga ba talaga ang pagmamahal? Ang totoong pagmamahal? Nararanasan ba ito ng lahat ng tao? O maliit lang ang tsansa na maranasan ito ng lahat?

Kasi minsan, naisip ko, nagmahal nga ba ako ng totoo? Ng walang alinlangan? Ng walang pagkukubli? Ng walang dahilan? Kundi simpleng totoong pagmamahal.

Natanong mo na ba ang sarili mo kung ang taong naging unang boypren mo eh mahal mo talaga? Kung ang taong nakilala mo nung hiskul ka at hinandogan ng una mong mga halik at yakap ay totoong ngmamahal sayo? Kung yung taong naging ka-klase mo sa isang subject sa college at naging school bus mo minahal mo rin ng totoo? Kung yung nakilala mo nung summer at naging fling ay minahal ka rin? Kasi kung hindi mo pa naitanong, aba tanungin mo na ang sarili mo. At baka matulad ka sa akin na medyo nag-aalinlangan kung ano nga ba ang totoo.

Alam ko mahal ko ang sarili ko, mahal din ako ng mga magulang ko, at mahal ako ng mga kapatid ko. Dahil wala silang choice kundi ang mahalin ako. Pero yung ibang tao, yung taong mahal ka hindi dahil wala silang choice kundi choice talaga nila na mahalin ka, meron bang ganun? Yung tipong wala silang ibang hangarin sa buhay nila kundi mahalin ka lang ng totoo?

Bakit ba mahirap magmahal ng totoo?

Published in: on January 10, 2010 at 3:43 pm  Comments (8)  
Tags: