himig ng pag-ibig

“Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso’y kay sarap damhin
Tulad ng himig ng pag-ibig natin”

naging adik din ako sa teleseryeng Dyosa ni Anne Curtis dati,

maliban sa gustong-gusto ko yung kanta,

gustong-gusto ko din yung storya ng teleseryeng yun.

ngayon naalala ko lang bigla ang lyrics nung kanta,

ang ganda kasi pakinggan,

isang kuwento ng pag-ibig na walang hangganan,

na walang katapusan, na walang pag-aalinlangan…

sana, sana ganun din ang aking pag-ibig…

Published in: on August 16, 2010 at 3:49 pm  Comments (4)  
Tags:

ang aking gitara

my guitar

matagal ko na palang hindi nagagamit ang aking gitara,palagi nalang syang nakatambay sa isang sulok ng aking kwarto.

naaalala ko pa kung bakit ko ito binili apat na taon na ang nakakaraan…

may kapitbahay ako na mga rakista, may drums, electric guitar at simpleng gitara sila, minsan naiinis at nagagalit na ako dahil ang lakas-lakas nilang mgpatugtog ng musika, kahit na malapit na ang exams, wala ata silang pakialam. maraming beses na kaming nag-aaway dahil parang wala silang konsiderasyon sa mga kapit-bahay nila, pare-pareho lang naman kaming ngbabayad at ng-aaral. nung kalaunan, bumili nalang ako ng gitara dahil sabi nga nila “if you can’t beat them,join them” kaya nakisali na ako. total matagal ko naman din gustong matutong tumugtog ng gitara, ayun tinuroan nila ako,mas naging close kami,at madali lang pala silang paki-usapan na wag munang mag-ingay dahil exams na. hehehe

may natutunan ako ng kunti, at nung nagtapos na ako ng kolehiyo at umuwi dito sa bukid, wala na akong panahong tumugtog ulit nito, wala na pala sya sa tono.

katulad ko,palaging sintonado.

Published in: on December 20, 2009 at 4:11 am  Comments (10)  
Tags: ,