– b o i –

maligayang kaarawan sa iyo kaibigan,

oo, maituturing nga kitang isang kaibigan…

kahit na hindi pa tayo ngkikita,

at kahit na sa internet lang tayo ngkakilala…

salamat sa mga panahong andyan ka

nakikinig sa akin,

nakikitawa,

nakikiiyak,

salamat dahil hindi ka ngsawa…

at dahil kaarawan mo,

pwede bang maglabas nalang ako ng sama ng loob sa iyo??? loko lang…

HappY birThdaY BOI!!!

yun yun eh!

Advertisements
Published in: on April 19, 2010 at 11:38 am  Comments (4)  
Tags:

Isang Pamamaalam

Isang Pamamaalam

Ito ay isang pagpupugay para sa aking matalik na kaibigan. Isang kaibigan na naging bahagi ng aking buhay. At dahil dumating na kami sa puntong ito, siguro hindi na madudugtongan pa ang mga masasayang araw na aming pinagsamahan at matutuldokan na ang aming pagiging magkaibigan. Ilang ulit na bang nangyari na tayo ay nagpaalam. At ilang ulit na rin bang hindi natupad iyon? Ngunit parang ito na ang panghuli, at talagang mangyayari na.

Naaalala ko pa kung paano at bakit kita nakilala. Naaalala ko pa kung paano mo ako hindi pinagtuonan ng pansin, at kung paano ko pinagpipilitan ko ang sarili ko sayo. Ang mga panahong magkasama tayo, magkasabay sa pag-uwi mula sa skul, magkainisan sa text at kung anu-ano pa.

Inalagaan mo ako sa panahong kailangan na kailangan ko ng isang tunay na kaibigan, binigyang halaga mo ang buhay ko sa panahong nais ko nang sumuko, binigay mo sa akin ang atensyon, pagmamahal at pang-unawa mo nang walang hinihinging anumang kapalit.

Maraming beses na kitang nasaktan, ngunit andun ka pa rin. Hindi mo pa rin ako iniwan,bagkus lalo mo akong minahal. Kahit alam mo na hindi ko magawang tugunin ito. Kahit na alam mong masasaktan lang kitang lalo. Kahit na hindi ko binigyang halaga ang iyong pagsusumamo.

Maraming-maraming salamat sa lahat.

At sana’y patawarin mo ako sa lahat ng aking mga pgkukulang.

Kung dumating ang panahon na ang landas natin ay muling pinagtagpo, sana ay ako naman ang maging mabuting kaibigan para sa’yo.

Mahal kita. Noon paman. At kung hindi ko man nasabi o naipadama yun sa’yo, marahil yun ang napakalaking kasalanan na nagawa ko.

Published in: on January 11, 2010 at 7:17 am  Comments (13)  
Tags: