ang sampu kong kahilingan

Malapit na pala ang pasko. Kasi marami na ang namamasko dito sa bahay namin. Pag nagpapasko na, ano ba ang nasasaisip nyo? Kasi pag Disyembre na, naiisip ko agad ang hamon, keso-de-bola, fruit salad, cheese cupcake, at ice cream. Naiisip ko rin ang mga regalo. Regalo na kailangan kong bilhin para sa mga mahal ko sa buhay. At regalo na matatanggap ko mula sa aking mga kaibigan at kapamilya. Kaya heto, gumawa ako ng listahan ng mga regalong gusto kong matanggap mula sa inyo, sana mabasa nyo ito para may idea na kayo.

1. Hotel Accomodation at Pocket Money sa pagpunta ko ng Malaysia at Thailand – kasi Ticket lang ang napanalonan ko, hindi kasama yung accommodation at pocket money, kawawa naman ako pg wala akong matulogan dun dba? ~CHECK!!! somebody gave me 200us dollars and 230 thailand baht!!! YEPEY

2. Ink (para sa brother DCP-150C) – may printer kasi ako dito, di ko naman nagagamit dahil wala akong ink, kahit dalawang buwan na supply lang, tama na sa akin yun.~:(

3. Stylus (sony-G900) – kasi nakakatatlong stylus na ako, lahat sira na… pasko naman dba, yun nalang ibigay nyo sa akin :)~di ko na kailangan…

4. IPOD – kasi wala ako nyan, matagal ko nang gusting mgkaroon, d ko naman kayang bilhin, kaya kayo nalang po bumili.~i’ll try to win it in a contest nalang…

5. Laptop – kahit ACER lang, wag na yung Macbook, Okay na Okay na ako dun :)~i bought one for myself… (credit card..wehhhh)

6. The LOST SYMBOL – yung book ni Dan Brown, kahit yung paperback na lang… wag na yung hardbound :)~who wants to lend me one?

7. Flash Drive – nasira kasi yung 4gb ko na flash drive, at nawala alhat ng files ko… d bale nay un, kailangan ko talaga ngayun ng bago…~my brother gave me one…

8. Taguan-Pung at Manwal ng mga Napapagal – yung aklat ni Eros Atalia, kasi wala na talaga akong mahanap sa mga bookstore ditto sa Mindanao eh.~wala pa rin ako nito:(

9. Little black dress – yup, kailangan ko yun, kasi dba dapat daw sa closet ng isang babae mayroon dapat little black dress, para daw may magamit for emergency cases.~eto rin wala….

10. Ipanema – kasi matagal na akong nghahangad mgkaroon, at naputol na lahat ng Havaianas ko. Kaya kailangan ko na ng bagong tsinelas.~my mom gave me a new pair of havaianas 😀

Sa lahat ng nakabasa nito at sa lahat ng kaibigan at kapamilya ko, maari po kaayong mgkomento dito para malaman natin na hindi kayo dalawa na mgbibigay ng parehong regalo sa akin… hahahaha

Published in: on December 14, 2009 at 3:07 pm  Comments (7)  
Tags: , ,