bakit ako mahilig sa pagkain?

mahilig ako sa lahat na ata ng klase ng pagkain.

ewan ko ba, bukod sa pagiging adik sa internet eh inaamin ko na adik din ako sa pagkain..

adik ako sa prutas. lahat ata ng klase ng prutas mahal ko.. kahit durian di ko pinapalampas…

adik din ako sa lahat ng dessert,minatamis ay hilig na hilig ko.

adik din ako sa lahat ng ulam, hindi ako namimili…

adik din ako sa gulay, kahit nga yung bell pepper (atsal sa bisaya,ewan ano sa tagalog) hindi ko hinihindian..

adik ako, pero di ko alam kung bakit di ako tumataba…

mahilig naman ako sa tsokolate,abokado,durian,lahat ng pwedeng magpataba sinubukan ko na.. wala pa rin epekto.. may ideya ba kayo kung ano ang pwede kong kainin para tumaba naman ako?

Advertisements
Published in: on February 5, 2010 at 2:34 pm  Comments (4)  
Tags: