sawa na ako

sawa na ako sa pagmumukha mo,

ikaw ba hindi nagsasawa sa mukha mo?

pwede ba ay tumigil ka na sa paglalagay ng ads sa kung saan-saan sa internet?

nakikita na kita sa telebisyon ng paulit-ulit,

nakikita kita sa facebook, ym, friendster, pati sa blogsites ng pinupuntahan ko

oo nga, mayaman ka pala, akala ko kasi ikaw ang tunay na mahirap,

pero sa mga pinapakita mo at ginagawa ay nagwawaldas at nagsasayang ka lang ng pera,

pera na sana’y pang-kain na ng mga hampas-lupang katulad ko,

magkano ba ang isang limang-minutong ad sa telebisyon?

ang ad banners sa facebook?

naririnig pa kita sa radyo.

kung gusto mong iboto ka ng mga tao, huwag mong daanin sa nakakarinding jingle mo!

Published in: on February 14, 2010 at 2:15 am  Comments (8)  
Tags: ,