Christmas Raffle

dahil adik ako sa mga online contest at online raffles, isama mo pa ang mga online freebies, mamimigay din ako.
dahil isang taon na, malapit na o tapos na, di ko maalala basta ngsimula ako dito Desyembre noong nakaraang taon.

marami akong ipapamigay, di ko pa alam kung ano o kung kailan yung iba pero sa ngayon ito muna.
hindi ito contest, dahil hindi naman ito paramihan ng puntos at hindi rin ito pagandahan ng post, isa lang itong raffle.

madali lang ang mekaniks, ito lang ang gagawin :
1. Una: sagutin ang tanong na: “Sa lahat ng posts na andito sa blog ni jongskie, ano ang pinaka-ayaw mo at bakit?”
2. Pangalawa: Pag nasagot mo na o nahanap mo na ang sagot, gumawa ng post sa sarili mong blog at i-link doon sa napiling post.
3. Pangatlo: Adik ako diba, kaya kasali sa requirements and pag-kokomento sa aking entry sa contest ni NomNom para manalo ako ng Starbucks Planner. Pero kailangan mo pa pala, i like yung FB page niya.
4. Pang-apat: Bumalik dito at mag komento.
5. Pang-lima: Maghintay sa resulta, dahil ipapa-raffle ang kakaibang planner sa December 15, 2010.
6. Pang-anim: Pag may nahikayat kayo na mag komento sa aking entry sa Nomnom may special prize sa pinaka-madaming na hikayat, blogger man o hindi.

Maligayang Pasko sa inyong lahat.
(Bumalik lang po kayo araw-araw baka may iba pang ipamimigay)

Advertisements
Published in: on December 5, 2010 at 2:03 am  Comments (4)  
Tags: