Kalikasan

Paano natin ililigtas ang ating kalikasan kung tayo mismo ang siyang sumisira nito?

Nadismaya ako ng kumain ako sa Mcdo, dahil hindi naman ito for take-out pero ganito ang ibinigay nila sa akin:

Minsan-minsan lang naman ako makakain sa Mcdo,

Kasi wala naman Mcdo sa Bukidnon,

Pero nung pumunta ako ng Davao nung isang linggo,

Nadismaya ako sa aking pagkain.

Masyado na natin pina-padami ang basurang likha natin.

Nung isang-araw naman galing ako sa Jollibee,

mahilig kasi sa Jollibee ang anak ko.

Umorder din ako ng dine-in,

At ito naman ang ibinigay sa akin:

Pinapakita ko lang ang pinagkaiba

Ng dalawang malalaking fast-food chain

dito sa Pilipinas.

At kung ako ang papipiliin,

sa Jollibee pa rin ako kakain.

Advertisements
Published in: on April 16, 2010 at 7:43 am  Comments (4)  
Tags: , ,

SEAChange

Seachange Philippine Delegates

Aba disyembre 15 na, naalala ko tuloy ang nobyembre 15 at ang aking unang tapak sa bansang banyaga. First time kong makasakay ng eroplano dahil sa SEACHANGE, first time kong makapunta ng Maynila at maka paglibot dito, first time kong makasakay ng eroplano palabas ng Bansa at first time kong makapunta sa Bansang Banyaga. Dahil lahat sa SEACHANGE at sa organisasyong bumuo nito. Ano nga ba ang SEACHANGE? Ibig sabihin nito ay Southeast Asia Youth Change. Isa itong pagpupulong na naganap noon Nobyembre 16-17 sa Putrajaya International Convention Center, Kuala Lumpur, Malaysia. Hindi ko talaga inaasahan na isa ako sa mapipili para lumahok dito. Dahil ang sumali sa movement ay mahigit limandaang libong kabataan mula sa iba’t ibang bahagi ng Southeast Asia. At mapalad na limandaan lang ang mapipili at malilibre ng tiket papunta ng Malaysia at pauwi sa sariling Bansa, akomodasyon sa hotel, pagkain at alawans. Wala sa hinagap ko na ako na isang walang magawa sa buhay eh mapasama doon. noong una akala ko pa nga ay isa itong panloloko, dahil sino nga naman ang gagasta ng ganon ka laki para sa mga kabataan at sa internet lang sumali, dba? Ngunit malaking pasasalamat ko rin at hindi ito isang scam lamang.

Napakagandang tsansa yun na hindi ko pinalagpas. Sino nga ba ang mag-aakalang ganun pala kaganda ang layunin ng mga taong bumuo nang SEACHANGE? Speakers namin ang mga kilalang tao na sa panaginip ay di ko akalain na makikita ko sa personal.

Sila ang tinuturing na “Agent of change” ika nga… Nandun si Bob Geldof, Biz Stone, Nando Parrado, Tony Fernandes, Garry Kasparov, Dr. Mamphela Ramphele, Randi Zuckerberg, Yashmant Sinha, Long Yongtu, David Magliano at Narain Karthikeyan. Isama nyo pa si Donald Trump at si Lorraine Hahn. Muntik pa ngang mapasama si Obama dun eh. Busy lang sya. hahaha

Marami akong natutunan, at marami akong napuntahan. Marami akong nakilala, at marami akong naintindihan.

Sana nga lahat ng tao, bata o matanda, lalaki o babae, muslim o katoliko, ay magkaroon ng isang paniniwala. Paniniwala ng kaya nating baguhin ang nakagisnan na nating maling kultura at mga maling paniniwala, para magkaisa at umunlad ang ating bansa. Dahil walang mangyayari kung lahat tayo ay gustong umasenso, pero wala tayong pakikipagkapwa-tao.

Obama and Me

Published in: on December 14, 2009 at 5:24 pm  Comments (6)  
Tags: , ,