Buhay sa Bukid

Lumaki ako na isang mahirap(hindi po ito linya ni orange guy). Ang alam ko mahirap talaga kami, wala kaming bahay,nakikitira lang kami sa bahay ng mga magulang ng tatay ko. At wala rin trabaho ang nanay ko, kahit pa nakapagtapos siya ng apat na taon sa Kolehiyo. Ang tatay ko naman tapos din, sa pagkakaalam ko walong taon siya sa Kolehiyo. Pero mas ninais ng Tatay ko na magsikap, kumayod, maghanap-buhay ng walang amo. Sa awa ng Diyos, nabuhay kami ng tatay ko. Nariyang naging drayber siya,ngkaroon din kami ng vulcanizing shop, at naalala ko rin na ngkaroon din kami ng sari-sari store. Magaling talaga sa diskarte ang tatay ko, nakagawa pala siya ng 4×4 na sasakyan 😀 dito sa amin tawag dun “weapon” , para yung elf. Nagbebenta din pala kami ng hollow blocks dati. Sa dami ata ng pinasukan na negosyo ng mga magulang ko, di ko na maalaala yung iba. Basta ang alam ko sa pagiging magsasaka ng tatay ko kami umahon sa hirap.

Mahirap ang buhay sa pagsasaka. Hindi madali. Natutunan namin kung paano magtanim ng mais, bigas, tubo, at gulay. Pati na kung paano ito anihin. Dahil hindi kami sinanay sa marangyang buhay. Bagkos ay tinuroan kami kung paano mabuhay. At malaking pasasalamat ko sa mga magulang ko dahil tinuroan nila kami kung paano mamuhay,para kung dumating ang panahon na kailangan namin na tumayo sa sarili naming mga paa ay kakayanin namin.

Galing kami sa hirap, umahon ng kaunti, naghirap uli, at heto bumabangon na naman.

Ang lupa ang tanging katuwang ko na buhayin ang pamilya ko. At kahit na nagtaasan na ang presyo ng asukal, naawawa man ako sa kababayan ko, masasabi ko pa rin na natutuwa ako. Pasensya na, ngayon lang po kami nakaranas ng presyo na ganito 🙂

Published in: on February 6, 2010 at 2:28 pm  Comments (9)  
Tags: