jb…

abril 20, 2007

– ipinanganak kita…

hindi ko pinagsisihan ang pagiging dalagang ina

lubos akong ngpapasalamat sa pagdating mo sa aking buhay

binago mo ang aking mga pananaw

at ipinagpapasalamat ko sa Diyos yun…

hindi man kita mabigyan ng kumpletong pamilya,

sana sapat na ang pagmamahal ko at pag-aalaga sa iyo para mabuo ang iyong pagkatao…

abril 20, 2010

– pagkatapos ng tatlong taon, heto tayo ngayon…

malayo na ang ating narating,

sabay nating abutin ang mga pangarap ko para sa iyo anak…

ang mabigyan ka ng magandang buhay,

ang matugonan ang iyong mga pangangailangan…

maligayang kaarawan anak…

nagmamahal,

Nanay…

Published in: on April 19, 2010 at 11:25 pm  Comments (7)  
Tags: ,

ABaKaDa Sabado – A

Nakisali ako sa Meme na ginawa ni Ruthi, at ito ay ang ABaKaDa Sabado.

At dahil unang sabado ko ito, A ang aking unang titik.

A – Anak.

Ang pangalan ng aking Anak ay JB.

Mahilig siyang mag-drive, namana ata niya sa akin.

Malakas din siya kumain, katulad ko.

Mahal na mahal ko ang aking anak, likas sa ating mga Pinoy yan.

Ito ang patakaran ni Ruthi :
PATAKARAN: Una… Ipagmalaki mo na Pinoy ka. Kaya gayahin mo ako… maggawa ng post kada Sabado… wid matsing piktyur at konting talata o tula [bahala ka kung anong type mo]. Ika-2… Gawa ka ng sarili mong ABaKaDa Sabado post sa iyong blog. Tapos balik ka dito at type mo Pangalan mo at URL address mo sa kahon ni Ginoong Linky sa bandang ibaba para makasama ka sa “listahan ng pakikibaka” [participation list]. Tapos kopyahin mo at ilagay ang logo ng ABaKaDa Sabado sa ibaba ng iyong post. Ika-3… Magsaya ka at magala sa ibang ibang blog na nakibaka at naging mga kabatak. Mag-iwan ka rin ng konting pagbati sa kanilang “comment box” para puntahan ka rin nila. Yun lang.
Ito ang site ni Ruthi : http://ruthigavargregoire.blogspot.com/2010/03/abakada-sabado.html

Published in: on March 13, 2010 at 1:13 am  Comments (16)  
Tags: , ,

Mga Natutunan Ko sa pagiging INA

OO, isa akong Ina. Dalagang-ina. Sa edad kong beinte-uno ay nag-aalaga na ako sa anak ko. At sa mahigit tatlong taon kong pag-aaruga sa kanya may mga natutunan ako.

* Madali lang pala ang panganganak. Mind over matter. Oo, madali lang. Masakit ang pag-le-labor, pero madali lang manganak. Dahil sinasabi ko sa sarili ko ang mga katagang ito “Ang aso nga nanganganak ng apat na tuta hindi naman kailangan ng kumadrona”.

* Mahirap ang unang tatlong buwan pagkatapos manganak. Dahil iba ang body-clock ni baby sa akin. Matutulog siya sa araw, at gising siya pag-gabi. Kaya kailangan kong mag-adjust.

* Mahirap siyang paligoan. Natatakot kasi akong masaktan siya. Parang ang soft ng kanyang mga buto, napaka-fragile.

* Mabuti ang pagpapasuso(breastfeeding). Bukod sa nakatipid ka na, madali ka pang sumeksi ulit.

* Mabuti ang pag-gamit ng lampin. Bukod sa walang gastos sa diapers, hindi pa nagkaka-rashes o allergy si baby.

Maghintay, may kasunod pa ito.

Published in: on January 17, 2010 at 12:21 pm  Comments (11)  
Tags: ,

Real Leaf,Real Smile

sad face

Jb shows a sad face because my brother is making fun of him. He wants his Real Leaf Green Tea because he is thirsty. And guess what happens after giving him what he wants :

all smiles

See what Real Leaf can do with Jb’s day to day life?

Published in: on January 13, 2010 at 1:06 pm  Comments (9)  
Tags: , , ,

Jb loves Real Leaf Green Tea

Real Leaf

My son loves Real Leaf  Green Tea. He drinks it almost everyday, after playing with his toys or just running around the house.

JB

JB and Real Leaf Green Tea

He simply loves Real Leaf Green Tea.

Published in: on January 12, 2010 at 4:30 am  Leave a Comment  
Tags: , , ,

Paglaki ko, Diskargador ako!

diskargador

Isa rin pala sa mga pangarap ng aking anak ay maging isang diskargador.

Kung hindi ko daw siya pahihintulotan na maging Mekaniko, ang pagiging Diskargador nalang ang kanyang aatupagin.

Published in: on January 9, 2010 at 8:41 am  Comments (8)  
Tags: ,

Paglaki ko, Mekaniko ako!

JB

Isang araw sa buhay namin, na flat ang gulong ng multi-cab na minamaneho ko. At dahil wala naman akong ibang kasama kundi ang aking anak, tinulungan nya ako. Naisip ko tuloy, baka ito ang pangarap ng anak ko? At least, d na ako mabibigla pagdating ng panahon at sabihin nya sa akin na “Mama, Mama, Gusto ko paglaki ko, Mekaniko ako!”

Published in: on January 9, 2010 at 5:20 am  Comments (4)  
Tags: ,