Independence day!

Malaya na ang bansa natin pero marami pa rin ang hindi lubos na malaya dahil sa mga mundong ginagalawan nila. Nananatili tayong nakagapos sa mga bakas ng kahapon, ng kahirapan, ng pagiging makasarili at mainggitin. Sana matuto tayong maging totoo sa ating sarili upang tayo ay maging lubos na malaya.
Malaya ka Pilipinas kong Mahal!!!
Sana ang nga Pilipino ay matuto ding palayain ang kanilang sarili.

Advertisements
Published in: on June 12, 2013 at 3:48 am  Comments (1)  
Tags: , , ,

Na-Miss-Ko-Toh

ang tagal ko na palang hindi nagagawi dito..

na-miss ko ang pagsusulat ng Tagalog, ang pagsusulat ng walang sinusunod na pamantayan..

na-miss ko ang mga taong una kong nakikilala sa blogosperyo..

na-miss ko ang pag-bibisita sa ibang blog ng mga bloggers ng walang hinihinging kapalit..

at muli, dinalaw ko ang mga naka-x-links ko na mga blogs dito pero bakit wala na din atang nagsusulat sa kanilang mga blogs? asan na kaya sila ngayon, iilan nalang ang updated pa..

sana, makahanap ako ng panahon at oras para matanong kung kumusta na sila..

Published in: on June 9, 2013 at 6:55 am  Comments (1)  
Tags: , , ,

Gagay’s 4 Year Domain and Hosting Giveaway

Gagay is hosting “4-Year Domain and Hosting Giveaway”. I am joining the contest and maybe if I get lucky, I will have a new domain for FREE plus hosting!

If you are also interested to join the said giveaway, do not hesitate to click the link and follow the simple mechanics at GagayMD.

Domain and Hosting Giveaway
Fishy Talks | Gagay.MD | Oh Gosh Gulay | Pinoy.MD | Walking News Paper

Published in: on June 8, 2011 at 8:07 am  Comments (1)  

Maligayang Pasko

Maligayang Pasko sa lahat…
Dahil wala naman sumali sa pakulo ko, wala din nanalo…
LOL
Sayang, ang ganda pa naman nung Planner, mura nga lang, di masyadong kamahalan…
Ibibigay ko nalang sa syota ng kapatid ko..

Published in: on December 25, 2010 at 8:25 am  Comments (2)  

dahil adik ako

dahil adik ako, magpapakontes o magpapa-raffle din ako.
simple lang ang mekaniks, simple lang ang premyo.
cool ang prize, promise.
yung mekaniks easy lang.
sinasabi ko lang, di pa ito ang kontes proper.

Published in: on November 28, 2010 at 2:16 pm  Comments (1)  

Para sa atin ang Laban na to!

Para sa iyo Pambansang Kamao, GOOD LUCK!
Wag mo masyado bugbugin si Margarito ha.

Published in: on November 14, 2010 at 2:28 am  Leave a Comment  
Tags: , ,

me and you

you are but a man,

and i am just a woman,

yet true love has come.

Published in: on October 16, 2010 at 4:46 pm  Comments (3)  
Tags:

Robin at Mariel

hay naku, sobra na, masyado nang OA.

tingnan nalang natin kung hanggang kailan yan.

itinangging kinasal sa India nung nakauwi galing dun.

may picture na inilabas na kinasal,

sinabing isa lang publicity para sa show ang kasal sa Baguio.

ngayon naman umamin na ikinasal sa India,

at sa Taj Mahal pa.

pero nung interview sinabing sila ang magsasabi kung kelan,

etc,etc,etc.

naku sana naman hindi magflop sa takilya ang movie o show nyong dalawa,

idol ko pa naman si Robin, pero masyado na OA si Mariel.

Dineny, Inamin, ano ba talaga?

sana lang, magtagal kayo, goodluck!

Published in: on September 21, 2010 at 3:13 pm  Comments (27)  

May Bago

May bago akong blog site, isang dotcom.
Sana madalaw niyo, at makapag-iwan kayo ng puna.
Pwede niyo rin ito idagdag sa links niyo,
Kung okay lang.

Heto yun : ZoWanderer

Maraming Salamat.

Published in: on September 18, 2010 at 1:07 am  Comments (1)  
Tags:

Pinoy Ako

Pinoy AKO!
at hindi ko ikinahihiya iyon.
Pinoy AKO!
at ipinagmamalaki ko yun sa buong mundo.
Pinoy AKO!
at wala kayong magagawa dun.
Pinoy AKO!
at hindi mababago ng panahon yun.

sa Lahat ng Pinoy na nakakaintindi sa aking isinusulat ngayon, sana, bukas sa inyong isipan at puso na ipagmalaki ang ating bansa at ang ating pagiging Pilipino.
ang pagkakamali ng isang tao ay hindi pagkakamali ng isang bansa at hindi pagkakamali ng buong lahi.
marami tayong mga katangian na wala sa ibang lahi, kaya ipagmalaki natin yun.
hindi lamang sa likas na yaman, kundi sa yaman ng ating pagkatao tayo makakabangon.

Ikinahihiya ko ang mga taong ikinahihiya ang pagiging PILIPINO! sana ipinanganak nalang kayo na hindi PILIPINO.
Dahil kami na ipinagmamalaki namin ang aming pagiging PILIPINO at ang bansang PILIPINAS ay hindi kayo ina-ari!
Mas nakakahiya kayo!

Published in: on September 8, 2010 at 12:37 am  Comments (20)  
Tags: ,