RH Bill

Isa akong dalagang-ina, at hindi ko pinagsisihan yun.

Blessing sa akin ang pagdating ng anak ko, at bunga man iyon ng aking pagka mapusok hinding-hindi ko kakayanin na ipalaglag ang batang nasa aking sinapupunan.

Pero kung maibabalik ko lang ang panahon, at natutunan ko lang ng mas maaga kung saan ako dadalhin ng aking curiosity, hindi sana ako mabubuntis ng maaga.

Ma suwerte ako, kasi nakatapos ako ng pag-aaral, may pamilya akong sumusuporta sa akin at mayroon akong determinasyon na ipagpatuloy ang aking pagbubuntis kahit na ako ay isang dalagang-ina.

Sa panahon ngayon, sana po, buksan natin ang ating mga isipan, hindi talaga maiiwasan na maging mapusok ang mga kabataan, mas ikakabuti ba ang ipalaglag ang sanggol na nasa sinapupunan o iwasan ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan? para ma solusyonan ang problemang kinakaharap nila ngayon?

Araw-araw hindi naiiwasan, na may mga sanggol na iniiwan sa basurahan, sa may pinto ng simbahan, sa pam publikong palikuran, mayroong buhay at mayroon ding patay na.

Kung alam lang sana ng mga kabataan kung saan sila dadalhin ng kanilang kapusukan, di sana’y naiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Published in: on May 15, 2011 at 3:13 am  Comments (3)  
Tags:

Dalagang Ina

Isa akong Dalagang-Ina.

Basahin ang buong Kuwento ko dito: A Single Mother’s Quest.

Sana maka-iwan kayo ng puna.

Salamat.

Published in: on March 29, 2011 at 3:50 am  Leave a Comment  

Paalam Facebook

Ewan ko kung bubuksan ko ulit ang Facebook ko.
Sa ngayon, deactivated muna sya.
May pinagdadaraanan lang po.

Published in: on December 22, 2010 at 12:48 pm  Comments (3)  
Tags:

Happy Birthday Mama

Bukas, kaarawan na ng aking mahal na Ina.
Maligayang Kaarawan Inay.
Salamat sa lahat-lahat.

Published in: on October 28, 2010 at 12:14 pm  Leave a Comment  
Tags:

Pinoy Ako

Pinoy AKO!
at hindi ko ikinahihiya iyon.
Pinoy AKO!
at ipinagmamalaki ko yun sa buong mundo.
Pinoy AKO!
at wala kayong magagawa dun.
Pinoy AKO!
at hindi mababago ng panahon yun.

sa Lahat ng Pinoy na nakakaintindi sa aking isinusulat ngayon, sana, bukas sa inyong isipan at puso na ipagmalaki ang ating bansa at ang ating pagiging Pilipino.
ang pagkakamali ng isang tao ay hindi pagkakamali ng isang bansa at hindi pagkakamali ng buong lahi.
marami tayong mga katangian na wala sa ibang lahi, kaya ipagmalaki natin yun.
hindi lamang sa likas na yaman, kundi sa yaman ng ating pagkatao tayo makakabangon.

Ikinahihiya ko ang mga taong ikinahihiya ang pagiging PILIPINO! sana ipinanganak nalang kayo na hindi PILIPINO.
Dahil kami na ipinagmamalaki namin ang aming pagiging PILIPINO at ang bansang PILIPINAS ay hindi kayo ina-ari!
Mas nakakahiya kayo!

Published in: on September 8, 2010 at 12:37 am  Comments (20)  
Tags: ,

3 in 1

ewan ko kung ako lang ba ang nakakapansin sa ating bansa,

pero hindi nyo ba napansin na ang asukal ay doble na ang presyo?

natutuwa ako, dahil isa akong magsasaka na nagtatanim ng tubo

na siyang ginagawang asukal…

subalit nalulungkot din ako para sa aking mga kababayan,

dahil sobrang mahal na ang asukal…

kaya biglang to the rescue ang instant coffe 3 in 1…

dahil ang asukal ay 58 per kilo na…

Published in: on August 17, 2010 at 2:14 pm  Comments (21)  
Tags:

himig ng pag-ibig

“Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso’y kay sarap damhin
Tulad ng himig ng pag-ibig natin”

naging adik din ako sa teleseryeng Dyosa ni Anne Curtis dati,

maliban sa gustong-gusto ko yung kanta,

gustong-gusto ko din yung storya ng teleseryeng yun.

ngayon naalala ko lang bigla ang lyrics nung kanta,

ang ganda kasi pakinggan,

isang kuwento ng pag-ibig na walang hangganan,

na walang katapusan, na walang pag-aalinlangan…

sana, sana ganun din ang aking pag-ibig…

Published in: on August 16, 2010 at 3:49 pm  Comments (4)  
Tags:

beinte singko

salamat Panginoon sa dalawampu’t limang taon ko dito sa mundong ibabaw…

(feeling ng anak ko birthday niya)

happy birthday to me

yan o, with matching pouting lips

blow the imaginary candle

Published in: on August 3, 2010 at 3:42 am  Comments (2)  
Tags:

buhay ay mahalaga

Ang Buhay ay mahalaga. Pag-ingatan mo ito at iyong pagyamanin. Ito ang palaging itinuturo sa paaralan namin dati. Ewan ko kung hanggang ngayon ay yan pa rin ang sinasambit ng mga guro sa kanilang mga estudyante.

Bakit nga ba para akong nangangaral? Bakit ba naalala ko ang mga kasabihang ito? Kasi marami sa mga kabataan ngayon ay ngpapakamatay. Sa mga dahilang ang babaw lang. Kailan ba nila maiintindihan kung gaano kahalaga ang buhay kung hindi naman natin sila binibigyang halaga?

Inaamin ko, dumaan din ako sa mga pagsubok na ganyan, ang naiisipan na magpakamatay. At sa tuwing maalala ko ang mga panahong naging marupok ako, pinagtatawanan ko na lang ang sarili ko at nagpapasalamat sa Diyos na hindi niya tuluyang binawi ang buhay na pinahiram niya.

Maliit na bagay lang, papakamatay ka na. Hindi tama yun. Siguro ginagawa natin ito para mapansin, para bigyan ng halaga ng mga magulang natin, para sundin ang layaw natin, para ibigay ang gusto natin pero hindi ito tama. Hindi sa lahat ng panahon ay tayo lang ang iisipin ng ating mga magulang. Hindi sa lahat ng panahon ay andyan ang mga kaibigan natin na handang dumamay at makinig sa mga drama ng buhay natin. At lalong hindi sa lahat ng panahon ay nandyan ang mga taong gusto nating makasama para aluin tayo at sabihing hindi sagot ang pagpapakamatay sa lahat ng problema.

Ito lamang ang akong masasabi;

para sa inyo mga kabataan na pag-asa ng bayan :

“Huwag niyong madaliin ang buhay dito sa mundo, lahat ng bagay may dahilan, at hindi ang pagkakamatay ang sagot para sa inyong mga problema. Ang mga problema ay mga pagsubok lamang sa buhay para mas maging matatag kayo pagdating ng panahon.”

para sa inyo mga magulang:

“Huwag niyong isa-walang bahala ang mga pagkakataong nanghihingi ng oras o panahon ang inyong mga anak, malamang kailangang-kailangan nila kayo sa mga panahong ito. Sana inyo silang pansinin at bigyan ng oras dahil hindi napupunoan ng mga mamahaling bagay, pera o layaw ang pagmamahal na nadarama nila sa tuwing kasama kayo.”

Published in: on August 2, 2010 at 3:21 am  Leave a Comment  

kailangan pala siya ng anak ko

na-ospital ang anak ko, hindi ko alam na yun pa ang magiging dahilan para mapagtanto ko na kailangan nya ang ama nya….

kasi akala ko, kaya kong ibigay ang lahat sa anak ko…

mula sa mga bagay na kailangan nya hanggang sa mga bagay na gusto nya…

gaano man kataas ang aking pride, natuto akong mgpakumbaba para sa kaisa-isa kong anak…

kung bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng manahin sa ama, ang dugo pa nito ang namana nya…

at kahit hindi naman namin kinailangan talaga, buti na yung handa ako sa anumang mangyari…

kaya ngayon, napagtanto ko na kailangan pala talaga siya ng anak ko…

Published in: on June 13, 2010 at 1:40 pm  Comments (23)