RH Bill

Isa akong dalagang-ina, at hindi ko pinagsisihan yun.

Blessing sa akin ang pagdating ng anak ko, at bunga man iyon ng aking pagka mapusok hinding-hindi ko kakayanin na ipalaglag ang batang nasa aking sinapupunan.

Pero kung maibabalik ko lang ang panahon, at natutunan ko lang ng mas maaga kung saan ako dadalhin ng aking curiosity, hindi sana ako mabubuntis ng maaga.

Ma suwerte ako, kasi nakatapos ako ng pag-aaral, may pamilya akong sumusuporta sa akin at mayroon akong determinasyon na ipagpatuloy ang aking pagbubuntis kahit na ako ay isang dalagang-ina.

Sa panahon ngayon, sana po, buksan natin ang ating mga isipan, hindi talaga maiiwasan na maging mapusok ang mga kabataan, mas ikakabuti ba ang ipalaglag ang sanggol na nasa sinapupunan o iwasan ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan? para ma solusyonan ang problemang kinakaharap nila ngayon?

Araw-araw hindi naiiwasan, na may mga sanggol na iniiwan sa basurahan, sa may pinto ng simbahan, sa pam publikong palikuran, mayroong buhay at mayroon ding patay na.

Kung alam lang sana ng mga kabataan kung saan sila dadalhin ng kanilang kapusukan, di sana’y naiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Advertisements
Published in: on May 15, 2011 at 3:13 am  Comments (3)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://jongskie721.wordpress.com/2011/05/15/rh-bill/trackback/

RSS feed for comments on this post.

3 CommentsLeave a comment

  1. sangayon ako sa RH bill! baka di na tayo magkasya sa bansa natin.

  2. siguro,pinaka dakilang bagay ang pagiging ina sa lahat. ang magbigay ng bagong buhay, walang katumbas yun.

    ang RH bill, sa aking palagay ay isang pintuan lamang na magbubukas sa atin kung paano titignan ang pagsusupling sa mas responsableng paraan kung kaya’t sang ayon din ako rito.

  3. Isang paghanga. Dahil sa kabila ng kapusukang nagawa mo, mas nangibabaw pa rin ang pagiging responsable.

    Isang saludo sayo Jongskie.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: