Maligayang Pasko

Maligayang Pasko sa lahat…
Dahil wala naman sumali sa pakulo ko, wala din nanalo…
LOL
Sayang, ang ganda pa naman nung Planner, mura nga lang, di masyadong kamahalan…
Ibibigay ko nalang sa syota ng kapatid ko..

Advertisements
Published in: on December 25, 2010 at 8:25 am  Comments (2)  

Paalam Facebook

Ewan ko kung bubuksan ko ulit ang Facebook ko.
Sa ngayon, deactivated muna sya.
May pinagdadaraanan lang po.

Published in: on December 22, 2010 at 12:48 pm  Comments (3)  
Tags:

Pagbabago

Dahil mukhang nahihirapan kayong pumili kung ano ang ayaw nyo sa mga blog posts ko, babaguhin ko nalang ang mekaniks sa pakulo ko.
Ganito nalang para mas madali.
Bagong Mekaniks:
1. Dahil Pasko naman, gumawa ng Wish List, pero hindi Wish nyo kundi Wish ko. Gumawa ng Wish List na para sa akin, ano sa tingin nyo ang kailangan ko pa sa buhay ko para maging mas Masaya ang Pasko ko?
2. Lagyan ng link sa dulo ng post nyo papunta ditto.
3. Bumalik dito at mag-komento, yun lang.
Example:
β€œAng Wish ko sa Pasko para kay Jongskie ay manalo sya sa Lotto kahit hindi sya tumataya.”
Ito ay aking entry para sa kanyang pakulo ngayong Pasko.
Example lang yan, wag gayahin. Easy? Gumawa na.
Ang mananalo ay pipiliin sa pamamagitan ng pala-bunotan at matatapos ang pakulong ito sa December 25, 2010.
Maligayang Pasko mga Kapamilya, Kapuso, Kabagang, Kabarkada, Kapatid at lahat na ng KA!

Published in: on December 14, 2010 at 1:14 am  Comments (3)  
Tags:

dahil

dahil wala naman ata gustong sumali sa pa-raffle ko:(
ititigil ko nalang ito. di ko alam kung mahirap ba yung pinapagawa ko o medyo di lang nila type yung premyo 😦

Published in: on December 12, 2010 at 1:32 pm  Comments (2)  

kakaibang planner

Published in: on December 5, 2010 at 3:06 am  Comments (4)  
Tags:

Christmas Raffle

dahil adik ako sa mga online contest at online raffles, isama mo pa ang mga online freebies, mamimigay din ako.
dahil isang taon na, malapit na o tapos na, di ko maalala basta ngsimula ako dito Desyembre noong nakaraang taon.

marami akong ipapamigay, di ko pa alam kung ano o kung kailan yung iba pero sa ngayon ito muna.
hindi ito contest, dahil hindi naman ito paramihan ng puntos at hindi rin ito pagandahan ng post, isa lang itong raffle.

madali lang ang mekaniks, ito lang ang gagawin :
1. Una: sagutin ang tanong na: β€œSa lahat ng posts na andito sa blog ni jongskie, ano ang pinaka-ayaw mo at bakit?”
2. Pangalawa: Pag nasagot mo na o nahanap mo na ang sagot, gumawa ng post sa sarili mong blog at i-link doon sa napiling post.
3. Pangatlo: Adik ako diba, kaya kasali sa requirements and pag-kokomento sa aking entry sa contest ni NomNom para manalo ako ng Starbucks Planner. Pero kailangan mo pa pala, i like yung FB page niya.
4. Pang-apat: Bumalik dito at mag komento.
5. Pang-lima: Maghintay sa resulta, dahil ipapa-raffle ang kakaibang planner sa December 15, 2010.
6. Pang-anim: Pag may nahikayat kayo na mag komento sa aking entry sa Nomnom may special prize sa pinaka-madaming na hikayat, blogger man o hindi.

Maligayang Pasko sa inyong lahat.
(Bumalik lang po kayo araw-araw baka may iba pang ipamimigay)

Published in: on December 5, 2010 at 2:03 am  Comments (4)  
Tags:

just a peek

Published in: on December 3, 2010 at 2:10 pm  Leave a Comment