Listahan ng mga Kahilingan

Noong isang taon gumawa ako ng WishList, ngayon gagawa na naman ulit ako.

Bakit ba yung mga tao tsaka lang gumagawa ng WishList pag Pasko? Kasi ako, araw-araw humihiling sa Diyos eh.

Pero dahil Pasko naman, sige na nga, gagawa din ako ng WishList ko.

Syempre marami akong pangangailangan at gusto kaya medyo ma haba-haba din ito.

Wish List.

Una: Gusto ko ng bagong Tsinelas. Bakit? Kasi naman yung paborito kong brand ng tsinelas na medyo may kamahalan eh napuputol lang kailangan ko siguro magpalit ng brand. Mantakin mo, tatlong pares na ang naputol, ayaw ko naman sila siraan kaya di nalang ako magsasalita kung ano ang pangalan. Basta gusto ko ng bagong Tsinelas.

Pangalawa: Gusto ko ng bagong Damit. Kasi tuwing Pasko lang ako dati binibili ni Mama ng bagong damit, eh nung nag bente na ako at me anak na, aba di na niya ako binibilhan. Kaya kung me gusto magregalo dyan, padala nyo lang sakin.

Pangatlo: Gusto ko ng bagong Libro ni Bob Ong. Yung latest na sulat nya, nakalimutan ko lang yung Title. Basta yung pinakabago. Kasi kulang yung koleksyon ko.

Pang-apat at Pang-lima: Gusto ko ng bagong Medyas. At dahil wala akong Sapatos, gusto ko din ng bagong Sapatos. Actually, medyas lang talaga sana yung gusto ko, kaso nga wala akong sapatos kaya isinama ko nalang din.

Pang-anim: Gusto ko ng tiket papuntang Alaska o North Pole. Pasesnya na, gusto ko lang ma eksperyens ang White Christmas.

Pang-pito: Gusto ko ng World Peace. yun na yun, kailangan ko pa ba yang i explain?

Pang-walo: Gusto ko manalo sa pa-raffle ni Salbehe.

Para sa Make a Wish List Raffle ni Salbehe.

Advertisements
Published in: on November 23, 2010 at 3:33 am  Comments (2)  

The URI to TrackBack this entry is: https://jongskie721.wordpress.com/2010/11/23/listahan-ng-mga-kahilingan/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. Hindi ito kontest, raffle lang. Hehe. Salamat po sa pagsali! 🙂

  2. sige edit natin. ahahahahah LOL


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: