Pinoy Ako

Pinoy AKO!
at hindi ko ikinahihiya iyon.
Pinoy AKO!
at ipinagmamalaki ko yun sa buong mundo.
Pinoy AKO!
at wala kayong magagawa dun.
Pinoy AKO!
at hindi mababago ng panahon yun.

sa Lahat ng Pinoy na nakakaintindi sa aking isinusulat ngayon, sana, bukas sa inyong isipan at puso na ipagmalaki ang ating bansa at ang ating pagiging Pilipino.
ang pagkakamali ng isang tao ay hindi pagkakamali ng isang bansa at hindi pagkakamali ng buong lahi.
marami tayong mga katangian na wala sa ibang lahi, kaya ipagmalaki natin yun.
hindi lamang sa likas na yaman, kundi sa yaman ng ating pagkatao tayo makakabangon.

Ikinahihiya ko ang mga taong ikinahihiya ang pagiging PILIPINO! sana ipinanganak nalang kayo na hindi PILIPINO.
Dahil kami na ipinagmamalaki namin ang aming pagiging PILIPINO at ang bansang PILIPINAS ay hindi kayo ina-ari!
Mas nakakahiya kayo!

Advertisements
Published in: on September 8, 2010 at 12:37 am  Comments (20)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://jongskie721.wordpress.com/2010/09/08/pinoy-ako/trackback/

RSS feed for comments on this post.

20 CommentsLeave a comment

  1. base! ehehehe šŸ˜€

    • I’d be honest ate jongskie nung nangyari ung kay mendoza sabi ko sana di na lang ako Pilipino pero after 2 sekends naisip ko kung lahat ng Pilipino ganito tingin eh mas gago tayo kay mendoza. Ang dami ng nangyari sa Pilipinas mas malala pa pero nakasurvive naman tayo diba? This time alam kong malalagpasan din natin to, kasi marami ang mas naniniwala na may pagbabago at maaaring magvago ang takbo ng buhay kung sama2 tayong ili-lift ang dignidad ng pilipino at Pilipinas. Hindi natin kailangan sumuong sa apoy ngayon dahil napakainit pa, pero mas nakakakiya kung tayo mismong pilipino ikinahihiya natin ang ating lahi. May mga banyagang bilib sa atin, mga kilala at simpleng tao sa ibang bansa sila na naniniwala sa ating kabutihang loob at kagalingan kaya hindi sila dapat biguin, gawin natin silang inspirasyon na patuloy na lumaban at patuloy na ipagmalaki ang pagiging pinoy… PINOY AKO, PILIPINO AKO!!! tatay at nanay ko Pilipino!

      excess: pasensya man ate jongskie kung parang entry na yung comment ko nakirid awei lang fu… ehehe.. hugssss šŸ˜€

      • WOW. para lang POST šŸ˜€ wahahaha

        haba nga, sabagay, di ko naman masisi ang ibang tao kasi nga dba nakakahiya yung ginawa ni Mendoza, pero hindi naman kasalanan natin yun, di kasalanan ng Pilipinas yun, lahat naman ng Bansa may mga ganoong pangyayari ang pagkakaiba nga lang kung paano hindi na pinapalaki ng media ang issue šŸ™‚

        at imbes na magtulakan kung sino nagkamali ay dapat maghanda nalang sa kung ano ang maaring gawin kung may mga pangyayaring ganito ulit…

  2. wOW ang taray ate jongskie, nasa blogroll mo na agad me?! ehehehe… salamat po. Yun nga nabilib ako kay P.Noy kasi inako nia na yung kasalanan… mga walang ba%$#g! ang aangas pagnagkabulilyasuhan nagtuturuan daig pa namimili ng ulam sa karinderya… šŸ˜€

    • tama šŸ™‚

      kasi nga, obvious naman ang mga may mali, kitang kita, huling huli ng mga camera šŸ™‚

      tsaka syempre, para di ako mahirapan tandaan ang link mo šŸ˜€ whahaha

  3. Pilipino ako, masama o mabuti, Pinoy yon.

    Walang ibang magmamahal sa bansa natin kungdi tayo rin. Aba,mahirap makipamuhay sa hindi mo bansa ha? At least dito, wow…wow.

    pagnilayan mo.

    • oo nga šŸ™‚ dba Jkul? dapat mahalin natin ang ating bansa, dahil pag nainis sa atin yan, baka mawala nalang sa mapa bigla hahaha

      • Hindi mawawawala, baka palayasin na tayo sa mismong bayan natin. Kinuha na ng ibang lahi.

  4. Pilipino ako at ipinagmamalaki ko iyon.
    Pilipinas ang bansa ko at ito’y aking ibinabandera!

    Kaya natin to! Sa mga nagpalit na ng kanilang pagkasangkaPilipino, pagpalain sila. Pero ang tanda ko kung saan ka nag-ugat dun parin ang uwi mo.

    • uu nga, paano nalang kaya sila pag-uwi nila dito? ehehe

  5. I feel you. Eh kung isuka kaya sila ng bansa natin, sinong tatanggap sa kanila?

    • malamang wala din šŸ˜€ pero baka pwde sila sa Iraq, pwede gawing bala sa canyon:D

  6. Ate jongskie, di ka naman galit sa lagay na yan? hehe.joke lang.
    Hmmm basta ako PROUD PINOY AKO!! kahit ano pa man mga nangyayaring kahihiyan ng bansa natin. šŸ˜€

    • hindi ako Galit šŸ˜€ nagpapaliwanag lang ehehe

  7. Pilipino tayo hindi dahil sa tagumpay ni pacman.Pilipino tayo hindi dahil sa tagumpay ni kuya Efren.

    Pilipino tayo dahil iyon ang lahi natin.Sa kasawian at kabiguan,yun ang dugong nananalaytay sa ating pagkatao.

    Normal na mahiya tayo sa kahihiyan,pero hindi normal na talikuran natin ang ating sariling bayan para sa ilang kaganapan.Tayo pa rin sana ang magkakasamang magpabago ng imahe ng bansa.

    • TAMA šŸ™‚ kaya sana lahat nga Pinoy magtutulungan parra sa ikakaunlad ng ating bayan, hindi isa-isang magsialisan at itakwil ang Inang Bayan para tuluyan itong malugmok sa kahirapan.

  8. galing ^^,

  9. tatak pinoy, tatak matatag at matapang.

    hindi dahilan ang pagkabali ng isang tingting para tumigil at mamaluktot ang buong walis. bakit hindi na lang walisin ng iba pang tingting at punuan ang kakulangan ng nagkamali ng mga naiwang matutuwid?

    isa ka ba sa mga nagtatago o isa ka sa mga bubuo muli ng mga nagkamali at mga naligaw.

    pilipino ako, mahal ko ang bansa ko, mahal ko ang kapwa ko pilipino!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: