Major Major = Bonggang Bongga

Nanalo ng Bonggang-bongga si Venus Raj sa Miss Universe 2010 na ginanap kahapon…

Hindi ako dismayado dahil nagkamali siya ng sagot,

wala akong karapatan na husgahan siya at manghinayang,

wala rin ako sa disposisyon para sabihin na maling-mali talaga siya sa isinagot niya.

 

Isa akong Pinoy at ipinagmamalakiko na nanalo si Venus Raj,

dahil sa dinami-dami ng contestant napasama siya sa top 5.

 

Hindi madali ang tumayo doon sa entablado,

nakaharap sa buong mundo,

at tanungin ng ganoon na tanong…

 

Kahit ako, hindi ko masasagot yun…

 

Kaya sa lahat ng tao na humuhusga at hindi nakuntento sa nakuhang slot ni Venus Raj,

Subukan niyo kayang sumali sa Binibining Pilipinas,

tingnan ko lang kung umabot kayo sa Finals!

Published in: on August 25, 2010 at 9:50 am  Comments (15)  
Tags:

3 in 1

ewan ko kung ako lang ba ang nakakapansin sa ating bansa,

pero hindi nyo ba napansin na ang asukal ay doble na ang presyo?

natutuwa ako, dahil isa akong magsasaka na nagtatanim ng tubo

na siyang ginagawang asukal…

subalit nalulungkot din ako para sa aking mga kababayan,

dahil sobrang mahal na ang asukal…

kaya biglang to the rescue ang instant coffe 3 in 1…

dahil ang asukal ay 58 per kilo na…

Published in: on August 17, 2010 at 2:14 pm  Comments (21)  
Tags:

himig ng pag-ibig

“Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso’y kay sarap damhin
Tulad ng himig ng pag-ibig natin”

naging adik din ako sa teleseryeng Dyosa ni Anne Curtis dati,

maliban sa gustong-gusto ko yung kanta,

gustong-gusto ko din yung storya ng teleseryeng yun.

ngayon naalala ko lang bigla ang lyrics nung kanta,

ang ganda kasi pakinggan,

isang kuwento ng pag-ibig na walang hangganan,

na walang katapusan, na walang pag-aalinlangan…

sana, sana ganun din ang aking pag-ibig…

Published in: on August 16, 2010 at 3:49 pm  Comments (4)  
Tags:

beinte singko

salamat Panginoon sa dalawampu’t limang taon ko dito sa mundong ibabaw…

(feeling ng anak ko birthday niya)

happy birthday to me

yan o, with matching pouting lips

blow the imaginary candle

Published in: on August 3, 2010 at 3:42 am  Comments (2)  
Tags:

buhay ay mahalaga

Ang Buhay ay mahalaga. Pag-ingatan mo ito at iyong pagyamanin. Ito ang palaging itinuturo sa paaralan namin dati. Ewan ko kung hanggang ngayon ay yan pa rin ang sinasambit ng mga guro sa kanilang mga estudyante.

Bakit nga ba para akong nangangaral? Bakit ba naalala ko ang mga kasabihang ito? Kasi marami sa mga kabataan ngayon ay ngpapakamatay. Sa mga dahilang ang babaw lang. Kailan ba nila maiintindihan kung gaano kahalaga ang buhay kung hindi naman natin sila binibigyang halaga?

Inaamin ko, dumaan din ako sa mga pagsubok na ganyan, ang naiisipan na magpakamatay. At sa tuwing maalala ko ang mga panahong naging marupok ako, pinagtatawanan ko na lang ang sarili ko at nagpapasalamat sa Diyos na hindi niya tuluyang binawi ang buhay na pinahiram niya.

Maliit na bagay lang, papakamatay ka na. Hindi tama yun. Siguro ginagawa natin ito para mapansin, para bigyan ng halaga ng mga magulang natin, para sundin ang layaw natin, para ibigay ang gusto natin pero hindi ito tama. Hindi sa lahat ng panahon ay tayo lang ang iisipin ng ating mga magulang. Hindi sa lahat ng panahon ay andyan ang mga kaibigan natin na handang dumamay at makinig sa mga drama ng buhay natin. At lalong hindi sa lahat ng panahon ay nandyan ang mga taong gusto nating makasama para aluin tayo at sabihing hindi sagot ang pagpapakamatay sa lahat ng problema.

Ito lamang ang akong masasabi;

para sa inyo mga kabataan na pag-asa ng bayan :

“Huwag niyong madaliin ang buhay dito sa mundo, lahat ng bagay may dahilan, at hindi ang pagkakamatay ang sagot para sa inyong mga problema. Ang mga problema ay mga pagsubok lamang sa buhay para mas maging matatag kayo pagdating ng panahon.”

para sa inyo mga magulang:

“Huwag niyong isa-walang bahala ang mga pagkakataong nanghihingi ng oras o panahon ang inyong mga anak, malamang kailangang-kailangan nila kayo sa mga panahong ito. Sana inyo silang pansinin at bigyan ng oras dahil hindi napupunoan ng mga mamahaling bagay, pera o layaw ang pagmamahal na nadarama nila sa tuwing kasama kayo.”

Published in: on August 2, 2010 at 3:21 am  Leave a Comment