nanalo daw ako

“CONGRATULATIONS!!! Your # WON TOYOTA AVANZA and 300thou via electronic last May.21,2010.For details,pls call now Cris Palma of Phil. Info. Center in this #.” – – – +639168701341

Seryoso? Nanalo daw ako, yan ang sabi ng text ng taong hindi ko naman kilala, at sa isang raffle na hindi ko naman sinalihan. Kung uto-uto lang sana ako eh baka tinawagan ko na siya at malamang nahingan na niya ako ng pera o load para mapadala niya o malaman ko kung saan ko makukuha ang premyong yan. Kaso hindi ako uto-uto eh, kaya heto ang sagot ko :

“Hey, CONGRATULATIONS!!! You won a coffin and free memorial service at Cosmopolitan. DTI #666. You can die now to enjoy your prizes.”

Hindi na nagreply ang loko.

Published in: on July 29, 2010 at 3:10 am  Comments (7)  
Tags:

pula ang kulay ng pag-ibig

Lahat ng babae nangangarap na makapag-suot ng gown, maliban sa mga babaeng gustong maging lalaki.

Lahat ng babae nangangarap maihatid ng mga magulang sa altar kung saan naghihintay ang mapapangasawa.

Lahat ng babae nagdadasal na sana hindi yung groom kundi yung bestman ang napakasalan na sana tama ang desisyon at ang mga katagang nasambit sa harap ng Pari.

Lahat ng babae nangangarap na ibigin at sambahin ng lalaking pinangarap makasama sa buhay.

At isa sa mga babaeng yun ay ang aking kaibigan na si Luningning.

Damang-dama ko ang saya at sigla niya nung araw ng kasal niya,

Ang pag-ibig na nagbibigay kulay sa buhay niya.

Dalangin ko sa araw ng kaarawan niya (ngayon yun) na sana ay  maging maligaya siya sa buhay kasama si Ruben.

Published in: on July 28, 2010 at 11:50 am  Comments (1)  
Tags: ,