kailangan pala siya ng anak ko

na-ospital ang anak ko, hindi ko alam na yun pa ang magiging dahilan para mapagtanto ko na kailangan nya ang ama nya….

kasi akala ko, kaya kong ibigay ang lahat sa anak ko…

mula sa mga bagay na kailangan nya hanggang sa mga bagay na gusto nya…

gaano man kataas ang aking pride, natuto akong mgpakumbaba para sa kaisa-isa kong anak…

kung bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng manahin sa ama, ang dugo pa nito ang namana nya…

at kahit hindi naman namin kinailangan talaga, buti na yung handa ako sa anumang mangyari…

kaya ngayon, napagtanto ko na kailangan pala talaga siya ng anak ko…

Advertisements
Published in: on June 13, 2010 at 1:40 pm  Comments (23)  

The URI to TrackBack this entry is: https://jongskie721.wordpress.com/2010/06/13/kailangan-pala-siya-ng-anak-ko/trackback/

RSS feed for comments on this post.

23 CommentsLeave a comment

  1. Medyo sensitibong usapin ito.
    Bilang ama, kung nangangailangan din siya, kailangan niya ang anak mo para masabi niyang anak siya.

    Ikaw kailangan mo ba siya?

    Kulang ang kwento para magbigay ako ng aking mga salita.

    Hi na nga lang.

    Sana nasa mabuting kalagayan na ang iyong anak

    • wahahaha 😀 dapat ganyan lang para “bitin” hahah 😀

      medyo okay na sya ngayon, inatake ng hika, yung dengue hindi naman siya ngsusuka o ngtatae ng dugo, natakot lang ako na baka kakailanganin namin yung dugo ng ama nya kaya piinasabihan ko na baka kasi ngtatago lolz

      hello na nga din….

      • Bakit naman magtatago?

        Ipadukot mo kung anuman.

      • aba ewan ko din.. ang alam ko, hindi na yun nagpapakita.. ahahah kaya ngtatago ahahahah

  2. aaaawwwww… naiiyak ako kasi… nagtampo ako sa papa ko… pero you know what jong? aminin ko man o hindi i still need him in my life kasi hindi ako makukumpleto kung wala sya… ganon din ang kay JB…

    i hope okey na si JB

    • sabagay.. ako din kasi, ang laki ng tampo ko sa tatay ko 😦 pero okay na kami ngayon…

      tsaka hinihika pa din eh 😦

  3. sabi ko dati, pag ako nabuntis ng kung sino lang na ponsyo pilato, di ako papakasal sa kanya. bubuhayin ko mag-isa anak ko. i-acknowledge nya un baby kung gusto nya basta bigyan nya kami pera. bwahahaha. mejo sablay pala ang ganong thinking. minulat mo ko. i have to reconsider this.

    sana ok na baby mo.

    • hmmmm kaya naman talaga buhayin mag-isa yung bata eh, kaysa mgpakasal na hindi ka din maligaya at hindi kayo magkakasundo, hindi din yun matatawag na pamilya….

      tsaka dapat talaga pag-isipan mo mabuti… ako kasi nagkamali na ako, tumayo pa rin ako, at tinanggap ng buong puso ang kamaliang ito….

      wag lang padalos-dalos 🙂

  4. hmmm… seryoso ato ito… pero sa totoo lang wala ka ng magagawa kasi meron ding dugo ng kanyang ama ang anak mo… at bilib ako sayo dahil sa pagmamahal mo sa anak mo gagawin mo lahat, kahit ibaba mo pa ang pride mo sa taong ayaw mo..

    • oo, gagawin ko lahat para sa anak ko 🙂 kasi anak ko siya eh, ganyan pala ang pagiging isang magulang…

      nakakahiya pala ginagawa ko dati na sinusuway ko sila.. ehehehe

  5. siguro, kaya yun ang namana nya, para marealize mo one day na kakailangan din sya ng anak mo.. at yun na nga, dumating ang araw na yun.. mabuti’t tinanggap mo ng may pagpapakumbaba ang katotohanang iyon.. 😉

    • hmmmm oo nga…. tama ka 🙂

  6. Kahit naman balibaliktarin pa natin ang mundo, kahit ibigay pa natin ang lahat sa anak natin d mo pa rin makukumpleto ang kasiyahang maibibigay ng isang ama sa anak…mahirap sa posisyon mo pero kung kung lang ang kailngan nya para mabuo nya..ibigay mo….inagt at napdaan lang po..

    • salamat sa pagdaan… tama ka hindi talaga sya makukumpleto…

  7. wow! salamat, jongskie, sa post mo. very enlightening…. 😀
    Wishing you all the best for you and your son…

    • hay salamat naman at may mga taong natuto sa akin.. ehehehe

  8. a very motherly post po mam jongskie.
    shaks namiss ko si nanay
    homesick ako tuloy.

    hope your one and only child is fine now.

    be blessed!

    • nakaka miss talaga ang mga nanay noh, kami kaya ngluwal sa inyo 😀 ahahaha

  9. wala akong masasabi kundi paghanga.

    ang dami ng sakripisyo na pagtatagumpayan mong mag-isa at yun ang magsasabi sa’yo na nagampanan mo ang lahat at kayang kaya mo.it will make you a proud mother sa anak mo but more than that,sa pagkain ng mga prinsipyo para sa kabutihan n’ya,naging isa kang anghel.

    kahanga-hanga.

    manatili sana sa anak mo ang kalusugan at kapayapaan sa piling mo,jongskie.

  10. I admire the strength Jong. Lalo yung pag-accept. Sana magaling na siya. =p

    • magaling na nga siya nakiki pag-agawan na sa laptop para maglaro ng PVZ lolz

  11. Sobrang hate ko ang sarili ko pagnagagalit ako sa isang tao kc kahit anong pilit kong magpatawad hindi ko tlga mgawa/kaya. saludo ako sayo Jong kung ako nanay at kailangan ng dugo ng anak ko at kailangan ko pang hanapin ang tatay na nagtatago pag nakita ko sya itatago ko na sya ng tuluyan at ssiguraduhin kong hindi na sya makikita kahit kelan ng kahit na sino ahahahaha

    Salamat nga pala sa post mong ito medyo napapaisip at naaaninag ko na ang kunting liwanag / naliliwanagan na utak ko na kasing labo ng adobong pusit:-)

    Sana ok na ang baby mo:-)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: