suporta nyo, kailangan ko

hinihingi ko ang inyong suporta mga masugid kong taga-subaybay,
mga kaibigan at ka-chika dito sa wordpress,
para magkomento sa aking blogspot post na ito :
http://luckyzoan.blogspot.com/2010/06/what-will-i-do-if-i-won-100.html

wala naman kasi akong ibang kaibigan sa blogosperyo maliban sa inyo,
sana naman wag nyo ko biguin,
deadline na kasi sa June 30, 2010,
paramihan ng komento kasi, kaya sana bahain nyo…

maraming salamat….

Published in: on June 28, 2010 at 12:09 pm  Comments (3)  

Nanalo ako sa pakulo ni Yugatech

ang tagal bago dumating ang globe tattoo na ito, isipin mo expired na ang sim na kasama nito.

pero salamat na din at kahit natagalan sa paglalakad ang taong ng hatid nito sa bundok namin natunton pa din nya bahay namin.

Published in: on June 22, 2010 at 7:05 am  Comments (20)  

kailangan pala siya ng anak ko

na-ospital ang anak ko, hindi ko alam na yun pa ang magiging dahilan para mapagtanto ko na kailangan nya ang ama nya….

kasi akala ko, kaya kong ibigay ang lahat sa anak ko…

mula sa mga bagay na kailangan nya hanggang sa mga bagay na gusto nya…

gaano man kataas ang aking pride, natuto akong mgpakumbaba para sa kaisa-isa kong anak…

kung bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng manahin sa ama, ang dugo pa nito ang namana nya…

at kahit hindi naman namin kinailangan talaga, buti na yung handa ako sa anumang mangyari…

kaya ngayon, napagtanto ko na kailangan pala talaga siya ng anak ko…

Published in: on June 13, 2010 at 1:40 pm  Comments (23)  

paalam na aking mahal

paalam na aking mahal…

limang buwan din tayong ngsama na masaya..

ma mi-miss ko ang init na iyong hatid…

ma mi-miss ko ang mga gabing tayong mgkapiling…

ma mi-miss ko ang iyong mga matang mapang-akit…

ma mi-miss ko ang lahat-lahat sa iyong pagkatao…

nasasaktan ako habang hinahawakan kita ngayon,

nasasaktan akong makita ka sa huling pagkakataon…

ayaw ko man itong gawin, subalit hinihingi ng pagkakataon…

mahal na mahal kita, pero siguro nga walang magandang bagay ang tumatagal….

Paalam…

Paalam na sa iyo aking mahal….

(jongskie to old lappy)

Published in: on June 9, 2010 at 12:33 pm  Comments (11)  
Tags: