taal

ang kagandahan ng aking Inang Bayan ay hindi lamang nakikita sa aking mga kapwa tao kundi sa mga natural nitong yaman…

Published in: on May 30, 2010 at 3:45 am  Comments (20)  
Tags: ,

minsan sa buhay ko

minsan sa buhay ko, naniwala ako sa salitang pag-ibig…

at minsan sa buhay ko ay nadama ko ito…

naniwala, nagtiwala, umasa…

pero nabigo ako sa pag-ibig na dumaan sa buhay ko…

kaya hindi nyo ako masisisi kung natatakot na ako na sumugal ulit…

natatakot na magmahal at masaktan muli…

subalit umaasa pa rin ako, na sana…

dumating muli ang minsan na iyan sa buhay ko…

na sana, sa panahong ito hindi na ako magkamali…

Published in: on May 27, 2010 at 9:21 am  Comments (19)  
Tags:

Pilipinas kong Mahal

Pilipinas kong mahal..

Kakauwi ko lang mula sa ibang bansa at naisip ko na,

Walang makakapantay nito sa puso ko…

Gaano man ka-rami ang basura sa ilog Pasig,

Gaano man kadumi ang mga squatter’s area,

At gaano man kapangit ang Politika,

Hindi ko ipagpapalit ang Pilipinas sa Disneyland sa Hongkong, sa The Venetian sa Macau o sa Windows of the World ng Shenzen…

Dahil iba pa rin ang aking lupang sinilangan,

Hindi nito kailangan maging maganda, mayaman, at mapagkaloob sa mga tao niya,

Para mahalin ang Bansang sariling atin…

Natutunan kong mahalin ang mga kagandahan at kasiraan ng aking Bansa,

At tunay kong ipinagmamalaki na ako ay Pilipino at ang Pilipinas ang bansa ko…

Published in: on May 24, 2010 at 11:31 am  Comments (23)  
Tags:

halalan 2010

Heto ang ginagawa namin bago ang halalan…

Heto naman ang kuha umaga pagkatapos ng halalan…

At kahit wala pa kaming tulog dahil magdamag kaming nag-canvass ng boto para sa halalan 2010,

nakangiti pa rin kami dahil nanalo ang kandidato namin…

Matatawag bang successful ang automated election ngayong May 2010? ewan ko…

Masasabi ko na mas mabilis ang naging proseso sa pgbibilang ng boto subalit

marami ang naging inbalido at may mga balota pa na hindi tinanggap ng PCOS machines

dahil may dumi daw o ayaw lang nitong tanggapin…

dahil napansin ko na sa bawat presinto na may PCOS machine bukod sa mga balotang hindi tinanggap,

meron ding mga NULL VOTES, ewan ko kung ano ang ibig sabihin nyan…

siguro yung mga walang ibinoto, sumobra ang ibinoto o ayaw lang basahin ng machine yung boto mo…

Published in: on May 17, 2010 at 2:06 pm  Comments (4)  
Tags:

babae po ako

Sa loob ng isang taon mabuti na yung sampung beses na makapagdamit babae ako…

At heto ang mga panahong iyun….

bakasyon sa beach

kasalan

at dahil nangangalahati pa lang tayo sa taong 2010,dalawa pa lang yan…

nais ko lamang pong liwanagin na hindi dahil t-shirt at jeans lang laman ng aparador ko,

ay hindi na ako babae…

Published in: on May 16, 2010 at 2:30 pm  Comments (4)  

Willie Revillame – Sumusobra ka na!

Anong akala mo sa sarili mo?
Ang laki na masyado ng ulo mo…
Dati nanonood ako ng Wowowee dahil yun din ang gustong pampalipas oras ng nanay ko
Ngunit dahan-dahan kong nakikita ang tunay mong anyo
Para kang tupang ngbalat-kayo lamang..
Akala ko ang bait-bait mo at nagbago ka na..
Tumutulong sa mga taong kapus-palad at mahihirap…
Kahit naiinis ako minsan dahil masyadong inexploit na ng show mo ang mga kababayan ko…
Ipinagtanggol kita nung panahon na may isyu tungkol sa libing ni Tita Cory
Pero ngayon hindi na…
Masyado nang malaki ang ulo mo..
Akala mo kung sino ka…
Tama si Sucaldito, kung may hindi ka gusto na marinig sa news pinupuna mo,
Pero ikaw ayaw mong mapuna?
Tapos sasabihin mong magre-resign ka kung hindi tatanggalin si Sucaldito?
Aba Willie, pareho lang kayong ngtratrabaho sa ABS,
Hindi ikaw ang may-ari nito..
Akala mo naman malulugi ang ABS pag nawala ka…

Sana bumaba ka sa langit na akala mo’y sa iyo…

Published in: on May 6, 2010 at 12:22 am  Comments (39)