please lang, tigilan mo na ako

oo, tigilan mo na ako…

tapos na tayo…

‘nung sinabi mong ayaw mo na sa akin at hindi mo na ako mahal…

pwede ba? tigilan mo na ang pgse-send ng mms sa akin,

ng mga lumang pictures at letters ko sayo…

hanggang doon nalang yun at wala ng karugtong…

hindi tayo teleserye para magkaroon ng “may bukas pa” at “sana maulit muli”

hindi rin tayo movie para magkaroon ng “if only”

at lalong hindi tayo history na pabalik-balik lang ang nangyayari…

matagal ko nang nilagyan ng tuldok ang ating relasyon,

natapos ito nung tinalikuran mo ako…

wag ka ng umasa, dahil wala kang maasahan…

Published in: on April 26, 2010 at 2:01 pm  Comments (24)  
Tags:

ang puso ko

hindi dahil eto ako ngayon,

ganito na ako dati pa…

kung nakikita nyo na matigas ako,

na para bang wala na talagang pag-asang umibig pa,

yun ay dahil ayoko ng masaktan pa…

minsan sa buhay ko nagmahal, minahal at nagpaloko din ako…

hindi ko sinasabing lahat ng lalaki ay manloloko…

hindi ko rin sinasabing lahat sila ay mababait…

siguro nagkataon lang, na hindi talaga kami ang para sa isa’t-isa…

basag na ang puso ko, durog na durog na…

kaya hindi ko alam kung saan ako magsisimula…

hahanapin ko muna ang mga piraso nitong aking puso,

dahan-dahang tatahiin…

unti-unting gamutin

ang mga sugat at baka maghilom pa ito

at muling matutong umibig…

Published in: on April 26, 2010 at 1:46 pm  Comments (7)  
Tags:

ABaKaDa Sabado – E

masaya

nabigla

umiiyak

Emosyon…

Sa lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay,

Naririyan ang ating mga emosyon…

Saya,

Bigla,

Lungkot,

Kasalo natin sila sa ating buhay…

Published in: on April 24, 2010 at 12:22 pm  Comments (5)  
Tags:

jb…

abril 20, 2007

– ipinanganak kita…

hindi ko pinagsisihan ang pagiging dalagang ina

lubos akong ngpapasalamat sa pagdating mo sa aking buhay

binago mo ang aking mga pananaw

at ipinagpapasalamat ko sa Diyos yun…

hindi man kita mabigyan ng kumpletong pamilya,

sana sapat na ang pagmamahal ko at pag-aalaga sa iyo para mabuo ang iyong pagkatao…

abril 20, 2010

– pagkatapos ng tatlong taon, heto tayo ngayon…

malayo na ang ating narating,

sabay nating abutin ang mga pangarap ko para sa iyo anak…

ang mabigyan ka ng magandang buhay,

ang matugonan ang iyong mga pangangailangan…

maligayang kaarawan anak…

nagmamahal,

Nanay…

Published in: on April 19, 2010 at 11:25 pm  Comments (7)  
Tags: ,

– b o i –

maligayang kaarawan sa iyo kaibigan,

oo, maituturing nga kitang isang kaibigan…

kahit na hindi pa tayo ngkikita,

at kahit na sa internet lang tayo ngkakilala…

salamat sa mga panahong andyan ka

nakikinig sa akin,

nakikitawa,

nakikiiyak,

salamat dahil hindi ka ngsawa…

at dahil kaarawan mo,

pwede bang maglabas nalang ako ng sama ng loob sa iyo??? loko lang…

HappY birThdaY BOI!!!

yun yun eh!

Published in: on April 19, 2010 at 11:38 am  Comments (4)  
Tags:

hAPPy BiRthDay JB!!!

bukas, mag-ta-tatlong taon ka na anak…

parang kailan lang nung ipinanganak kita…

mahal na mahal kita,

hindi ko pinagsisihan na ako ang naging Nanay mo,

nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigay ka Niya sa akin…

sana pagdating ng panahon,

hindi mo ako susumbatan sa mga desisyong ginawa ko…

Mahal na mahal kita,

sana sapat ang mga salitang yan para mapatawad mo ako…

Published in: on April 19, 2010 at 10:50 am  Comments (5)  
Tags:

ABaKaDa – Da

Da – Daliri…

Yang mga daliri sa picture ay sa akin at sa aking anak…

Lalaki ang anak ko pero pag-nagpapa manicure ako, nakikisali din…

Hindi siya bakla, baka curious lang…

Dahil blue ang napili kong kulay, yun din pinalagay niya…

Oh, dba medyo natutupad din ang wish ko…

Na sana naging babae anak ko…

PS:

Matagal-tagal na din ako walang post para sa ABaKaDa ni Ruthi…

Pasensya na po na busy lang 🙂

Published in: on April 17, 2010 at 12:17 pm  Comments (7)  
Tags: ,

Kalikasan

Paano natin ililigtas ang ating kalikasan kung tayo mismo ang siyang sumisira nito?

Nadismaya ako ng kumain ako sa Mcdo, dahil hindi naman ito for take-out pero ganito ang ibinigay nila sa akin:

Minsan-minsan lang naman ako makakain sa Mcdo,

Kasi wala naman Mcdo sa Bukidnon,

Pero nung pumunta ako ng Davao nung isang linggo,

Nadismaya ako sa aking pagkain.

Masyado na natin pina-padami ang basurang likha natin.

Nung isang-araw naman galing ako sa Jollibee,

mahilig kasi sa Jollibee ang anak ko.

Umorder din ako ng dine-in,

At ito naman ang ibinigay sa akin:

Pinapakita ko lang ang pinagkaiba

Ng dalawang malalaking fast-food chain

dito sa Pilipinas.

At kung ako ang papipiliin,

sa Jollibee pa rin ako kakain.

Published in: on April 16, 2010 at 7:43 am  Comments (4)  
Tags: , ,

LSS – Last Song Syndrome

kailanman, ‘di ka masasaktan. Kahit na ano’ng mangyari, tayo ay magmamahalan. At sa pagsapit ng dilim, ‘di mawawalay. Pag-ibig ko ay tunay.


ito ang mga kantang paulit-ulit na tumutugtog sa aking isipan,

ayaw mawala,

ayaw mawaglit,

ito daw yung tinatawag na LSS Last Song Syndrome

pero di ko naman narinig ito,

nabasa ko lang sa status ng isang kaibigan,

subalit paulit-ulit itong naglalaro sa aking isipan,

hanggang sa kantahin ko na,

at ginawan ng post dito sa wordpress.

pero habang kinakanta ko ito,

ay naalala ko ang aking nakaraan,

ang aking minamahal,

naalala ko ang mga pangakong sinabi nya,

tulad ng mga salitang ipinahihiwatig ng kanta,

mga pangakong akala mo ay pang-habang buhay na…

ilang ulit na ba tayo nakarinig nga mga ganitong pangako?

pangako ng pag-ibig,

pangako ng walang hanggang pagmamahal,

hanggang pangako nalang ba tayo?

Published in: on April 13, 2010 at 10:33 am  Comments (4)  
Tags:

masyadong eksayted

AKIN TOH!

nung isang gabi, nakita ni JB ang tinatago naming regalo para sa kanyang nalalapit na kaarawan

bubuksan ko na

wala kaming nagawa kundi ibigay ito sa kanya at nang mabuksan niya

laruan...

may ganito na sya dati yung medyo mas malaki, kaso nasira kaya binilhan ko ng bago..

eh, medyo maliit, ngrereklamo tuloy…

mama, maliit...

paano, wala naman akong makita na malaki sa SM-cdo…

masyado kasi nyang paborito ang ganito nyang laruan, kaya ko binilhan ulit…

Published in: on April 9, 2010 at 12:32 am  Comments (11)  
Tags: