you’ll never be good enough for him

Ingles? Hindi.. ‘yung title lang…

ganito kasi yun, may nagsabi, ay hindi, may napaparinig sa akin ng mga katagang yan…

bakit?… ewan ko, kung saan nya nakuha ang ideyang may gusto ako sa boypren nya ngayon na dati eh nanligaw din sa akin…

tanong ko lang, kelan ba tayo nagkaroon ng karapatang husgahan ang katauhan o kahalagahan ng isang tao?

alam ko hindi ako ganoon ka-ganda, ka-bait, ka-yaman, ka-talino pero alam ko din na walang karapatan ang isang tao na husgahan ako, kung sino ako o kung ano ako…

hindi dahil may anak na ako sa pagka-dalaga ay maari na akong tawagin na mababang uri ng tao…

lahat ng tao ay mahalaga, lahat ng tao may karapatang mabuhay ayon sa kanilang gusto,
lahat ng tao, babae man o lalaki, bakla man o tomboy, bata man o matanda, ay mayroong halaga…

wala tayong karapatan na husgahan ang kapwa natin dahil tao lang din tayo…

Advertisements
Published in: on March 18, 2010 at 3:30 am  Comments (8)  

The URI to TrackBack this entry is: https://jongskie721.wordpress.com/2010/03/18/youll-never-be-good-enough-for-him/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. wala tayong karapatan na husgahan ang kapwa natin dahil tao lang din tayo…

    correction hnd tao lang tayo. tao tayo!!hehe

    para sa akin ok lng nman na maghusga tayo sa tao. kasi may isip tayo para san pa to kung hindi natin gagamitin. the point is kung makakasakit lang tayo mas magnda kung sasarilinin n lng toh. ayt?

    • tama πŸ˜€ tao pala talaga tayo.. hahaha
      tsaka oo, kung nakakasakit na tayo sana sarilinin nalang natin..

  2. sabi ng kakilala ko na tumatakbong presidentiable, kapag may kahinaan, o pagkukulang, hindi dapat ikinakatwiran ang, “sorry po, tao lang!”

    masyadong minamaliit daw ng tao ang sariling kakayahan sa paumanhin na ‘yan.

    siguro, kailangan na pagtuunan ang kakayahan ng tao para magbago. pero di dapat maliitin ang sarili at kapwa.

    tungkol sa source ng insecurity nitong blog mo, hindi puro masayang pakiramdam ang dala ng pag-ibig. kaakibat din nito ang pait, sakripisyo, etc. na mga negatibong pakiramdam at sitwasyon.

    masyado lang tayong sinanay, bilang mga Katoliko, na ang mga bagay sa mundo ay puti at itim lang. at dapat ay lagi raw tayong puti. kaya kapag nalagay sa gray area, nakupo, gunaw ang paligid.

    pero likha rin ng diyos ang bahaghari, o rainbow di ba?

    ang lahat ay anak ng diyos at napaliligiran tayo ng intelligent life.

    magandang araw po sa ‘yo, at sa mga mambabasa mo!

    • abetumil: tama ka, dapat hindi natin maliitin ang ating pagiging Tao dahil ayon sa syensya Tao ang pinakamataas na uri ng nilalang…

  3. chill and relax! hayaan mo sila mga panget sila! haha

    • oo nga.. hahaha LOLZ loko lang.. wala naman pangit sa mundo eh tayo lang gumagwa non..

  4. napadaan ulit.

    yaan mo na lang.baka bitter lang sya.at least you know na you are better than what most people say.just live your life happily and who cares kung ano ang sasabihin ng iba.

    ingat ka lagi!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: