sawa na ako

sawa na ako sa pagmumukha mo,

ikaw ba hindi nagsasawa sa mukha mo?

pwede ba ay tumigil ka na sa paglalagay ng ads sa kung saan-saan sa internet?

nakikita na kita sa telebisyon ng paulit-ulit,

nakikita kita sa facebook, ym, friendster, pati sa blogsites ng pinupuntahan ko

oo nga, mayaman ka pala, akala ko kasi ikaw ang tunay na mahirap,

pero sa mga pinapakita mo at ginagawa ay nagwawaldas at nagsasayang ka lang ng pera,

pera na sana’y pang-kain na ng mga hampas-lupang katulad ko,

magkano ba ang isang limang-minutong ad sa telebisyon?

ang ad banners sa facebook?

naririnig pa kita sa radyo.

kung gusto mong iboto ka ng mga tao, huwag mong daanin sa nakakarinding jingle mo!

Advertisements
Published in: on February 14, 2010 at 2:15 am  Comments (8)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://jongskie721.wordpress.com/2010/02/14/sawa-na-ako/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. hmm.. cnu un??
    alm q 1k per second. take note per sec! wooohh..

    • ilang segundo meron ang isang minuto? ilang minuto ang bawat ad? ilang beses pinapalabas ng paulit-ulit ang ad? ilang milyon ang nasasayang para sa mga ad?

  2. We have job vacancies. Ask me.

    • hmmmm .nakita ko nga. kaya lang baka hindi ako pwede… BSAC grad kasi ako 😀

  3. Maganda ang punto mo Joanne. Lahat ng sobra ay may naidudulot na masama. Gaya ng pagkasawa mo sa paulit-ulit na ads. Pero ito din ang ginagamit ng mga sabong panlaba gaya ng Surf at Tide. Paulit-ulit din. Ito’y para maitatak sa kukote ng mga mamimili na “wais” at “isa laban sa dalawa” ang binibili nilang sabon. Ang pagkakaiba lang sa ads ng mga sabon at sa kinaiinisan mong pagmumukha ay ang mga sabon ay laging binabago ang kuwento nila kaya’t di gaano nakakasawa. Ang nakakasawa nga naman talaga ay ang araw-araw na paliligo sa dagat ng basura.

    • hmmmm tama… bakit kaya hindi nakakasawa ang panonood ng mga patalastas na kagaya ng sabon? hehehe talaga naman nakakasawa ang maligo sa basura araw2 ano..

  4. Hehehe. I used to work for their bank before. Mabait naman silang mag-asawa. Active sila na kumuha ng support even from previous employees. As in. Dami kong invites sa groups sa FB.

    I read once, gusto nga raw nya “i-level ang field diba? Kasi wala syang nanay na presidente at kapatid na artista. And his jingle is very successful. Pati next elections, matatandaan yan. Pati bata kinakanta na eh.

    • oo, napanood ko yung sinagot nya yang mga issues. yung sa debate sa Inquirer yun.. nagiging social issue kasi dahil sa dinami-dami ng pinoy na walang pagkain sa hapag kainan nila, nakukuha pa ni Senator Villar ang gumastos ng milyon-milyon for ads… nakakapanghinayang lang…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: