naiinis na ako

naiinis na ako sa mga trending topics sa twitter,plurk,facebook pati na rin sa blogosperyo.

BAKIT?

dahil Pebrero na at kung hindi tungkol sa pag-ibig,pagmamahal,bulaklak,tsokolate o valentines date ang nababasa ko ay puro naman ka-emohan ng mgataong nasasaktan, nami-miss yung mga ex, yung mga katagang nakakairita ng pakinggan dahil paulit-ulit na kung minsan.

PWEDE BA!

kung may boypren o gerlpren kayo ngayong balentayns hindi ko kailangan malaman kung saan,kelan,at kung ano ang gagawin nyo ngayong balentayns.

kung walang boypren o gerlpren hindi ko rin kailangan malaman kung bakit kayo iniwan o niloko ng mga naging ex nyo.

kung malungkot kayo ngayong balentayns ‘wag nyo naman akong idamay sa kalungkutan nyo.

kung masaya kayo ngayong balentayns kahit mag-isa, two thumbs up ako sa inyo.

Advertisements
Published in: on February 10, 2010 at 11:49 pm  Comments (18)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://jongskie721.wordpress.com/2010/02/10/naiinis-na-ako/trackback/

RSS feed for comments on this post.

18 CommentsLeave a comment

  1. ang taray naman ng post na ito jong

    alam mo binigyan tayo ng freedom of speech.. so kung anong gusto nilang isulat na topic sa blog, twitter, fb at kung anek anek.. karapatan nila yun?!

    Tulad na rin ng pag susulat mo ngayon na naiinis ka karapatan mo din magsulat pero hindi mo na kelangan isulat na PWEDE BA??

    • wehehehehe πŸ˜€ ayun may nagbabasa din pala ng blog ko πŸ˜€ salamat po sa komento πŸ˜€ btw, it’s just an honest opinion πŸ™‚ wala akong galit o anu pa man.. mataray lang po talaga ako kung minsan πŸ˜€ hahaha

      • oo naman jong may nagbabasa.. at kung sakaling maligaw yun mga gumagawa ng nabangit mo sa blog mo naku….

        hindi ko sinasabing may galit ka or anything.. pero as blogger dapat maging responsible din tayo kung may natatamaan tayo.. its “your honest” opinion “namin” yun nakalagay πŸ™‚

        kung may boypren o gerlpren kayo ngayong balentayns hindi namin kailangan malaman kung saan,kelan,at kung ano ang gagawin nyo ngayong balentayns.

        chill apir na πŸ˜‰

      • okay po πŸ˜€ point taken.. ayan binago ko na.. wahahaha

  2. sagot ka comment ni lambing jong…

    ano?

    wahahahahaha…

    hot choco, like?

    pizzas, like?

    —ang totoo nyan, masyado ka lamang sigurong gala kaya marami ang nakikita at nababasa, may tip ako, kung sa mga blog lang ha, dun ka magbasa sa mga month na november sa archive, walang about sa nakakarinding mga nabanggit mong topic dun o kung meron man, panaka naka lang…

    • WAHAHAHA okay lang na yung november pero yung mga blog ng mga exes mo yung babasahin ko,u like? hahaha

  3. my galit b yan jong?! hahah
    gnun tlga e sabay lge s uso en xempre valentines so usaping puso heheh..

    chill..chill.. lng :)tc

    • wehehehe cge na nga.. makikisabay na.. ang totoo nyan, naiinis ako,paano kasi si tim yap, ngpapa raffle ng nokia 5230 ba yun,basta yung bago, kaso saka lang ako mananalo if gagawa ako ng letter for my love one,nung isang araw yan, kanina naman kailangan naman daw yung may pinkamagandang date sa valentines na maisip. whew,paano ko masasagot yun? KA LOKA

      • hahha.. so tim yap pala ang may sala! at s blog u dinaan ang inis hahha…

        yaan u pagyumaman aq bibilhan nlng kta ng nokia5230 (at kelan un? EWAN Q!) ng hindi ka nahihigh blood jan! hahhaha..

      • hahaha oo sya talaga.. hay naku… ipagdarasal ko nalang na kapitbahay mo yung mag-isang nanalo sa 6/49 lotto draw kagabi at kahit papano baka bigyan ka ng balato. hehe

  4. thank you for the visit! πŸ™‚ I am not a fan of valentines also. Bday kasi ng Papa ko yun. Before, masaya kami but since my dad died 3 years ago, sad na ako lagi.

    • ui, wag naman sad:) kahit wala na daddy nyo, masaya pa rin dahil nakapagpahinga na sya:)

  5. When my hubby and I were dating, di rin kami nag-d-date pag 14th. Usually after na. Kasi laging may handaan sa amin. To me, we celebrate, eat and prepare food on Valentines is just my Dad’s bday. Not some romantic thingy hehe.. πŸ™‚

    • salamat din sa pagdaan πŸ™‚

  6. mas nakalulungkot ang mga taong nagpasyang magsama. pero hindi alam i-express ang emosyon. rational din kasi ang tao.

    hindi naman pwedeng naiinis ka lang. may eksplanasyon ‘yan sa sikolohiya.

    pero hindi kita pangungunahan.

    hindi ko alam kung tama, pero gusto kong i-rekomend na panoorin ang INTO THE WILD, pelikulang dinulat at dinirek ni Sean Penn.

    at marami talagang pwedeng pag-usapan sa ilalim ng araw. hindi lang ang sarili. ang pagkalulong sa sarili ay senyales ng conceit. mahirap ding puro iba na lang ang nakikita.

    kailangan alam din natin ang dahilan ng mga koneksyon ng ating hininga.

    πŸ™‚

    • tama πŸ™‚ tama ka.. naiinis ako hindi dahil wala akong date, hindi rin dahil walang nagmamahal sa akin at wala akong minamahal, hindi rin dahil wala akong tatanggapin na rosas at tsokolate mula sa lalaking nagmamahal sa akin, naiinis ako dahil hindi ko mawari kung bakit kailangan magkandarapa ang mga tao kung balentayns na. pwede naman silang mg date, o e express ang kanilang mga feelings araw-araw dba? walang pinipiling oras o panahon ang pagmamahal. kailangan ba talagang maki uso?

  7. ops, malalim na ang gusto mong alamin sa,

    “hindi ko mawari kung bakit kailangan magkandarapa ang mga tao kung balentayns na.”

    at magandang pag-usapan ‘yan. itinuturing kong ang urirat mong ‘yan ay kahandaan ng sarili na alamin ang mga kalakaran na kinapalolooban ng mga indibidwal, nating lahat.

    masalimuot nga lang ‘yan. salasalabat ang ramifications n’yan. hanapbuhay, relasyon ng mga tao sa trabaho, komunidad, bansa, bansa-sa-bansa at cultural.

    pero sign of maturity ‘yan jongski721. hindi ko sinasabing immature ka, pardon my word, pero relative sa recent outlook mo ang ibig kong sabihin.

    happy valentine’s!

    mukhang bagay sa ‘yo ang, Lagi Ko Nalilimutang Hindi Mo na Ako Mahal, bagong post na tula ko sa AsB. pero 1991 ko pa yata nasulat ‘yon.

    • happy valentines din πŸ™‚ siguro nga, immature ako πŸ˜€ inaamin ko naman yun, hahaha

      kung minsan kasi may mga bagay na hindi ko maintindihan, bakit nagiging kumplikado ang mga bagay na madali naman intindihin.

      may punto ka rin na kailangan nga natin makisalamuha sa mga tao sa atong kapaligiran kaya siguro may mga holidays, may mga okasyon na angkop sa buong mundo.. pero sana wag natin kalimutan na pwede nga natin mag candle light dinner kahit hindi balentayns πŸ˜€


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: