Buhay sa Bukid

Lumaki ako na isang mahirap(hindi po ito linya ni orange guy). Ang alam ko mahirap talaga kami, wala kaming bahay,nakikitira lang kami sa bahay ng mga magulang ng tatay ko. At wala rin trabaho ang nanay ko, kahit pa nakapagtapos siya ng apat na taon sa Kolehiyo. Ang tatay ko naman tapos din, sa pagkakaalam ko walong taon siya sa Kolehiyo. Pero mas ninais ng Tatay ko na magsikap, kumayod, maghanap-buhay ng walang amo. Sa awa ng Diyos, nabuhay kami ng tatay ko. Nariyang naging drayber siya,ngkaroon din kami ng vulcanizing shop, at naalala ko rin na ngkaroon din kami ng sari-sari store. Magaling talaga sa diskarte ang tatay ko, nakagawa pala siya ng 4×4 na sasakyan 😀 dito sa amin tawag dun “weapon” , para yung elf. Nagbebenta din pala kami ng hollow blocks dati. Sa dami ata ng pinasukan na negosyo ng mga magulang ko, di ko na maalaala yung iba. Basta ang alam ko sa pagiging magsasaka ng tatay ko kami umahon sa hirap.

Mahirap ang buhay sa pagsasaka. Hindi madali. Natutunan namin kung paano magtanim ng mais, bigas, tubo, at gulay. Pati na kung paano ito anihin. Dahil hindi kami sinanay sa marangyang buhay. Bagkos ay tinuroan kami kung paano mabuhay. At malaking pasasalamat ko sa mga magulang ko dahil tinuroan nila kami kung paano mamuhay,para kung dumating ang panahon na kailangan namin na tumayo sa sarili naming mga paa ay kakayanin namin.

Galing kami sa hirap, umahon ng kaunti, naghirap uli, at heto bumabangon na naman.

Ang lupa ang tanging katuwang ko na buhayin ang pamilya ko. At kahit na nagtaasan na ang presyo ng asukal, naawawa man ako sa kababayan ko, masasabi ko pa rin na natutuwa ako. Pasensya na, ngayon lang po kami nakaranas ng presyo na ganito 🙂

Advertisements
Published in: on February 6, 2010 at 2:28 pm  Comments (9)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://jongskie721.wordpress.com/2010/02/06/buhay-sa-bukid/trackback/

RSS feed for comments on this post.

9 CommentsLeave a comment

  1. wow..parang ako na naman ang nagsulat nyan ah…hoy “my female version”…kamusta ka na ba?

    comments:

    maswerte ang mga kagaya nateng dumanas ng pagpapawis gamit ang katawang lupa para kumita ng kaunti o kaya’y makasapat lamang king hindi ma’y makatikim ng bunga ng anumang ipinunla naten sa lupa.

    para sa akin, walang ibang pinakamarangal na trabaho kundi ang pagsasaka…alam ko, pagkatapos kong mag abroad at kumita at makaranas ng buhay dito sa kabayanan, babalik ako sa pagtatanim at pagpapawis, masarap kumain ng inaning gulay na ikaw ang nagtanim…

    • hoi ka din. buzz ako ng buzz wala naman pumapansin sa akin. hmp.

      maswerte nga na masasabi kami na nakatira sa bukid, dahil walang baha,walang polusyon,walang holdaper,walang carnapper at walang sunog! hahaha

      masarap yung pagkain, preskong-presko, at minsan makakalibre ka pa sa kapitbahay:D

  2. gnun tlga ang lyf! minsan nsa ibabaw minsan nsa ilalim.
    gulong n plad ika nga! hahhahha..\
    importante e mging mtibay lng po=)

    • tama ka 🙂 wehhhh mas maganda kung galing ka sa ilalim dahil bumalik ka man sa hirap,d ka mahihirapan mg adjust 🙂

  3. korek! =)

  4. nung nabasa ko yung title mo, naisip ko e about farmville ang post mo.. hehehe!

    napadaan lang po, nakibasa at nakiepal!

    nice posts!

    • hindi po ako naglalaro ng farmville 😀 salamat sa pagdaan 🙂

  5. mareng,wala akong masabi.. hindi kalang bloggers, aka rizalia kana hahahahaha…. or baltazar…

    mareng tinood jud ka sa imong g pang yaw-yaw.. maigo man sad ta ani oi…

    nice kaau nga nabuhi ta a bukid, daghn kaau ta ug advantage sa mga bae nga taga cuidad..

    dli sila makabalo ug pang-os ug tubo, tad-tad sa tubo.. ug hagdaw sa mais hehehehehe…

    • mareng, korek ka 😀 pauli na diri sa atong bukid.. hehehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: