Yugatech’s Giveaway Round 2

if you want to have that MSI Wind U123H, then all you need to do is to have your photo taken on the most crowded place while holding the sign “Follow @abeolandres and @talk2globe on Twitter!”

To win, you must have the most creative, the most difficult and the most crowded photos. 5 finalist will be chosen and the winner will be decided by 5 panel of judges.

There will be a total of 55 winners, 54 for the consolation prize and one (1) lucky winner for the MSI Wind U123H.

For more details about the contest, you can visit http://www.yugatech.com/blog

Advertisements
Published in: on February 24, 2010 at 11:05 am  Comments (3)  
Tags: ,

pera ‘ika mo? paghirapan mo!

BIG Blogversary Contest

Level 1 Sponsors:
I Am Buraot : Anak Ni Kulapo : Seiko’s Diary : Mom Conversations

Level 2 Sponsors:
Azumi : Fab Momma : Mara’s Personal Bubble : Mara’s Appetite : The Pinay Blogger @ Home : Diva Fabulosa : Best Vacation Places : Momma Wannabee : Advising Writers :United World Poets : A Mom’s Life and Loves : The Blogger Hub : : Travelin’ With Marie : Happy Thoughts, Happy Tot : Stalking Mind : Living Life To The Fullest : Online Mommy’s Corner : Her And History : Careless Whispers : In My Psyche : My Quality Day : Just Throw Money : My Journey To Life : Cotton Candy Buzz : The Mommy Journey : Super Gulaman : Pen, Paper and Pan : Niko’s Blog : Lover’s Mushroom : Yena’s World : Girls Rule! : Online Trends Now : Husband of A Blogger : Glitter Page : Here Comes The Bride : Heart Random : Novice On Blogging (Noob) : At Home Here : Sexy Blogging : My Camerasexy : Dishes By Pehpot : Wonder Wifey : Coffee, Anyone? : Clarisse After Dark : Jena Isle’s Random Thoughts : Where The Moon Shines : Crossroads.. Where Ideas Meet : Simple Pero Rock : It’s not always about me… : Pinay Mommy Online : A Woman Remembers :
Beng’s Entertainment Spree : Yashiro : My Thoughts, My Heart, My Turf : Embrace Life : How I Earn Money Online
Sa panahon ngayon, Mahirap Mabuhay.
Mahirap maghanap-buhay.
Mahirap maghanap ng trabaho.
Kaya kung may pagkakataon na magkaroon ng pera sa mga mumunting bagay na pwede mong gawin,
aba wag mo nang tanggihan ang grasya.
Hali ka na, Ano pa hinihintay mo?
Sali na…
Madali lang, i-blog yung kontest, yun na yun.. hindi may iba pa palang kailangan gawin, kaya punta ka na sa link…
paalala:kung sasali ka, pakisabi naman oh, na sa kin mo nalaman… salamat
Published in: on February 18, 2010 at 2:18 pm  Leave a Comment  
Tags:

tsokolate at rosas

tapos na ang balentayns, pero buwan pa rin ng mga puso…
itong mga tsokolate at rosas ay natanggap ko nung Pebrero 13,2010…
aba, may naka-alala na balentayns, na buwan ng mga puso, na buwan ng mga bulaklak at tsokolate…
kahit pala single eh nakakatanggap ng mga ganitong regalo kung balentayns…
may naniniwala pa rin pala na ang pagbibigay ng ganitong mga bagay ay isang paraan upang malaman ni babae na may gusto si lalaki…
salamat sa mga tsokolate at rosas…

Published in: on February 17, 2010 at 4:56 am  Comments (6)  
Tags: ,

The Professional Heckler

ako po ay nananawagan sa aking mga kababayan at tagasubaybay (kung mayroon man)

inyo sanang dalawin ang bahay ni heckler (http://professionalheckler.wordpress.com/)

hindi po ako binayaran o kung ano paman para mangampanya ng mga mambabasa

kundi ay aking napansin ang kanyang kagalingan sa pagsulat

oo, medyo nagiging katatawanan ang kanyang mga sinasabi subalit ito ay mga katotohanan na sana ay wag nating balewalain

lalo at malapit na ang halalan at siya ay walang pinapanigan.

Published in: on February 14, 2010 at 2:27 pm  Comments (6)  
Tags:

sawa na ako

sawa na ako sa pagmumukha mo,

ikaw ba hindi nagsasawa sa mukha mo?

pwede ba ay tumigil ka na sa paglalagay ng ads sa kung saan-saan sa internet?

nakikita na kita sa telebisyon ng paulit-ulit,

nakikita kita sa facebook, ym, friendster, pati sa blogsites ng pinupuntahan ko

oo nga, mayaman ka pala, akala ko kasi ikaw ang tunay na mahirap,

pero sa mga pinapakita mo at ginagawa ay nagwawaldas at nagsasayang ka lang ng pera,

pera na sana’y pang-kain na ng mga hampas-lupang katulad ko,

magkano ba ang isang limang-minutong ad sa telebisyon?

ang ad banners sa facebook?

naririnig pa kita sa radyo.

kung gusto mong iboto ka ng mga tao, huwag mong daanin sa nakakarinding jingle mo!

Published in: on February 14, 2010 at 2:15 am  Comments (8)  
Tags: ,

masakit

nanood ako ng MMK sa kadahilanang si Angel Locsin ang bida.

ngunit hindi ko akalain na papaiyakin ako ng episode na ito.

papaiyakin ng balde-baldeng luha.

bakit ganito? bakit ako apektado? hindi ko alam.

hindi ko alam o ayaw ko lang aminin sa sarili ko na minsan ay umibig din ako, nasaktan, nadapa at bumangon.

hindi ko alam kung kanino ako mas naaawa, sa asawa o sa kabit? bakit ganun?

Published in: on February 13, 2010 at 12:28 pm  Comments (10)  
Tags:

checklist kung bakit hindi ako ideyal na gerlpren

bago ko tingnan ang kapaligiran ko, mabuti siguro tingnan ko rin ang sarili ko at tanungin na rin kung bakit wala akong boypren(yung mga dahilan na hindi kasalanan ng mga lalaki).

ito yung checklist:

  • mataray ako – oo mataray ako, hindi ako malambing at hindi ako marunong maglambing
  • madaldal ako – masyado akong madaldal, nakakairita na kung minsan
  • makulit ako – masyado akong makulit, at kahit paulit-ulit na yung tanong, tatanungin pa rin kita
  • hindi ako marunong magluto – a way to a man’s heart is through his stomach, need i say more?
  • hindi ako seksi – mahilig ang mga lalaki sa may mga katawang mala-dyosa, yung perpekto, hindi ako ganon
  • sumpungin ako – madali akong sumpungin, wag mo akong kulitin dahil madali akong mairita
Published in: on February 12, 2010 at 11:48 am  Comments (4)  

naiinis na ako

naiinis na ako sa mga trending topics sa twitter,plurk,facebook pati na rin sa blogosperyo.

BAKIT?

dahil Pebrero na at kung hindi tungkol sa pag-ibig,pagmamahal,bulaklak,tsokolate o valentines date ang nababasa ko ay puro naman ka-emohan ng mgataong nasasaktan, nami-miss yung mga ex, yung mga katagang nakakairita ng pakinggan dahil paulit-ulit na kung minsan.

PWEDE BA!

kung may boypren o gerlpren kayo ngayong balentayns hindi ko kailangan malaman kung saan,kelan,at kung ano ang gagawin nyo ngayong balentayns.

kung walang boypren o gerlpren hindi ko rin kailangan malaman kung bakit kayo iniwan o niloko ng mga naging ex nyo.

kung malungkot kayo ngayong balentayns ‘wag nyo naman akong idamay sa kalungkutan nyo.

kung masaya kayo ngayong balentayns kahit mag-isa, two thumbs up ako sa inyo.

Published in: on February 10, 2010 at 11:49 pm  Comments (18)  
Tags:

Buhay sa Bukid

Lumaki ako na isang mahirap(hindi po ito linya ni orange guy). Ang alam ko mahirap talaga kami, wala kaming bahay,nakikitira lang kami sa bahay ng mga magulang ng tatay ko. At wala rin trabaho ang nanay ko, kahit pa nakapagtapos siya ng apat na taon sa Kolehiyo. Ang tatay ko naman tapos din, sa pagkakaalam ko walong taon siya sa Kolehiyo. Pero mas ninais ng Tatay ko na magsikap, kumayod, maghanap-buhay ng walang amo. Sa awa ng Diyos, nabuhay kami ng tatay ko. Nariyang naging drayber siya,ngkaroon din kami ng vulcanizing shop, at naalala ko rin na ngkaroon din kami ng sari-sari store. Magaling talaga sa diskarte ang tatay ko, nakagawa pala siya ng 4×4 na sasakyan 😀 dito sa amin tawag dun “weapon” , para yung elf. Nagbebenta din pala kami ng hollow blocks dati. Sa dami ata ng pinasukan na negosyo ng mga magulang ko, di ko na maalaala yung iba. Basta ang alam ko sa pagiging magsasaka ng tatay ko kami umahon sa hirap.

Mahirap ang buhay sa pagsasaka. Hindi madali. Natutunan namin kung paano magtanim ng mais, bigas, tubo, at gulay. Pati na kung paano ito anihin. Dahil hindi kami sinanay sa marangyang buhay. Bagkos ay tinuroan kami kung paano mabuhay. At malaking pasasalamat ko sa mga magulang ko dahil tinuroan nila kami kung paano mamuhay,para kung dumating ang panahon na kailangan namin na tumayo sa sarili naming mga paa ay kakayanin namin.

Galing kami sa hirap, umahon ng kaunti, naghirap uli, at heto bumabangon na naman.

Ang lupa ang tanging katuwang ko na buhayin ang pamilya ko. At kahit na nagtaasan na ang presyo ng asukal, naawawa man ako sa kababayan ko, masasabi ko pa rin na natutuwa ako. Pasensya na, ngayon lang po kami nakaranas ng presyo na ganito 🙂

Published in: on February 6, 2010 at 2:28 pm  Comments (9)  
Tags:

bakit ako mahilig sa pagkain?

mahilig ako sa lahat na ata ng klase ng pagkain.

ewan ko ba, bukod sa pagiging adik sa internet eh inaamin ko na adik din ako sa pagkain..

adik ako sa prutas. lahat ata ng klase ng prutas mahal ko.. kahit durian di ko pinapalampas…

adik din ako sa lahat ng dessert,minatamis ay hilig na hilig ko.

adik din ako sa lahat ng ulam, hindi ako namimili…

adik din ako sa gulay, kahit nga yung bell pepper (atsal sa bisaya,ewan ano sa tagalog) hindi ko hinihindian..

adik ako, pero di ko alam kung bakit di ako tumataba…

mahilig naman ako sa tsokolate,abokado,durian,lahat ng pwedeng magpataba sinubukan ko na.. wala pa rin epekto.. may ideya ba kayo kung ano ang pwede kong kainin para tumaba naman ako?

Published in: on February 5, 2010 at 2:34 pm  Comments (4)  
Tags: