Isang Pamamaalam

Isang Pamamaalam

Ito ay isang pagpupugay para sa aking matalik na kaibigan. Isang kaibigan na naging bahagi ng aking buhay. At dahil dumating na kami sa puntong ito, siguro hindi na madudugtongan pa ang mga masasayang araw na aming pinagsamahan at matutuldokan na ang aming pagiging magkaibigan. Ilang ulit na bang nangyari na tayo ay nagpaalam. At ilang ulit na rin bang hindi natupad iyon? Ngunit parang ito na ang panghuli, at talagang mangyayari na.

Naaalala ko pa kung paano at bakit kita nakilala. Naaalala ko pa kung paano mo ako hindi pinagtuonan ng pansin, at kung paano ko pinagpipilitan ko ang sarili ko sayo. Ang mga panahong magkasama tayo, magkasabay sa pag-uwi mula sa skul, magkainisan sa text at kung anu-ano pa.

Inalagaan mo ako sa panahong kailangan na kailangan ko ng isang tunay na kaibigan, binigyang halaga mo ang buhay ko sa panahong nais ko nang sumuko, binigay mo sa akin ang atensyon, pagmamahal at pang-unawa mo nang walang hinihinging anumang kapalit.

Maraming beses na kitang nasaktan, ngunit andun ka pa rin. Hindi mo pa rin ako iniwan,bagkus lalo mo akong minahal. Kahit alam mo na hindi ko magawang tugunin ito. Kahit na alam mong masasaktan lang kitang lalo. Kahit na hindi ko binigyang halaga ang iyong pagsusumamo.

Maraming-maraming salamat sa lahat.

At sana’y patawarin mo ako sa lahat ng aking mga pgkukulang.

Kung dumating ang panahon na ang landas natin ay muling pinagtagpo, sana ay ako naman ang maging mabuting kaibigan para sa’yo.

Mahal kita. Noon paman. At kung hindi ko man nasabi o naipadama yun sa’yo, marahil yun ang napakalaking kasalanan na nagawa ko.

Advertisements
Published in: on January 11, 2010 at 7:17 am  Comments (13)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://jongskie721.wordpress.com/2010/01/11/isang-pamamaalam/trackback/

RSS feed for comments on this post.

13 CommentsLeave a comment

  1. nagmamahal,

    pangulong Gloria Macapagal Arroyo

    ang ilang bahagi ng liham sa itaas ay panghihinayang nya sa bansang pilipinas at sa mga hindi nya na-isakatuparang plano.

    • grabe naman ito 😀 hahahaha

  2. hmmm…nakakaawa ang iniiwan lalo at lubos na nagpapahalaga sa mga mawawala at sa aalis, pero alam mo ba ang mas nakakaawa bukod sa kanya, ‘yung hindi iniiwan kahit sa loob nya ay ayaw na nyang manatili pa…

    • masakit tanggapin ang katotohanang ayaw na nga nya sa akin:(

  3. panong iwan? as in dedo?

    bakit ganun?

    gumamit ka ng work ng tuldok. ibig sabihin tinatapos mo na pagkakaibigan nyo?

    kung tama nga ako ng pagkakaintindi.. puwede naman maging magkaibigan kahit magkalayo ha. yeah.

    • iba na ang nangyayari ngayon.. d na katulad ng dati.. nagpalit na sya ng number at hindi na ipinaalam sa kin.. sa pagkaka alam ko wala naman kaming naging problema na, akala ko ay okay na kami, pero hindi pala..

  4. “kung gagawa ka ng pader sa pagitan n’yo ng kaibigan mo ‘wag mong masyadong taasan, baka dumating ang araw na kailanganin mo ‘yung laktawan ikaw mismo ang mahihirapan.”

    a quote from my idol jon cabroneee

    pwede mo i meditate 🙂

    • tama ka lambing… kaso hindi ako ang gumawa ng pader na yun.. kundi sya… at kahit anong gawin ko ngayon, parang wala na talagang mangyayari…

  5. ang lungkot naman.. ano po ba ang nangyari?

    • siguro hindi lang ngkaintindihan at ngkalabuan na..

  6. hmp,hindi mo alam baka ang kaibigan mo na yan ay may sariling dahilan kung bakit xa lumayo.hindi para limutin ka kundi para naman matuto xang bungangon pgkatapos ng kanyang pgkadapa para maisaayos nya muli ang kanyang sarili at kung sa anong dahilan man kung bakit xa nalugmok siguro naman ikaw ay may alam.:0

    o d kaya siguro mayron xang nasabi sa’yo na tanggap nya naman yong sagot mo kaso kasama sa pgtanggap nyon ay ang paglayo nya para naman malaman nya kung ano ba talaga..

  7. nag karoon din po ako ng kaibigan na naging party ng buhay k,o

  8. at ngayun gusto koparing ibalik yung dating kami


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: