Bakit mahirap magmahal ng totoo?

Bakit mahirap magmahal ng totoo?
Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na ‘yan. Bigla nalang pumasok sa isipan ko. Napaka-lalim at parang hindi ko maunawaan. Ano nga ba talaga ang pagmamahal? Ang totoong pagmamahal? Nararanasan ba ito ng lahat ng tao? O maliit lang ang tsansa na maranasan ito ng lahat?

Kasi minsan, naisip ko, nagmahal nga ba ako ng totoo? Ng walang alinlangan? Ng walang pagkukubli? Ng walang dahilan? Kundi simpleng totoong pagmamahal.

Natanong mo na ba ang sarili mo kung ang taong naging unang boypren mo eh mahal mo talaga? Kung ang taong nakilala mo nung hiskul ka at hinandogan ng una mong mga halik at yakap ay totoong ngmamahal sayo? Kung yung taong naging ka-klase mo sa isang subject sa college at naging school bus mo minahal mo rin ng totoo? Kung yung nakilala mo nung summer at naging fling ay minahal ka rin? Kasi kung hindi mo pa naitanong, aba tanungin mo na ang sarili mo. At baka matulad ka sa akin na medyo nag-aalinlangan kung ano nga ba ang totoo.

Alam ko mahal ko ang sarili ko, mahal din ako ng mga magulang ko, at mahal ako ng mga kapatid ko. Dahil wala silang choice kundi ang mahalin ako. Pero yung ibang tao, yung taong mahal ka hindi dahil wala silang choice kundi choice talaga nila na mahalin ka, meron bang ganun? Yung tipong wala silang ibang hangarin sa buhay nila kundi mahalin ka lang ng totoo?

Bakit ba mahirap magmahal ng totoo?

Advertisements
Published in: on January 10, 2010 at 3:43 pm  Comments (8)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://jongskie721.wordpress.com/2010/01/10/bakit-mahirap-magmahal-ng-totoo/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. usapang pag ibig pagmamahal..

    nakakakabit na sa tao ang pagmamahal… totoo man o fake.. kapag nagmahal pagmamahal pa din yun … andun pa din yun act ng pag mamahal.. nagiging hindi lang totoo pag hindi tayo kontento sa pagmamahal o may mga hindi magandang nangyari … wag mong sisihin ang pagmamahal dahil ang pagmamahal ay pure… ang tao lang ang hindi nagiging totoo 🙂

    sa huli ang pagmamahal na totoo na alam ko ay…

    yun nagmamahal ka sa tao ng walang hinihintay na kapalit…at laging nandyan sayo.. hindi ka nalilimot kahit ilang dekada pa ang magdaan..yung minamahal ka ng walang dahilan.. yun ikaw ang mahal… haizz bigla din akong nalito lolz

    hindi totoong mahirap magmahal ng totoo… mahirap lang magtiwala dahil ang pagmamahal nakatira na sa puso ng bawat tao masama man sya o mabuti.. maniwala ka

    at parang post na ito 🙂

    • sabagay, may point ka 🙂 siguro nga ang magtiwala ng pinakamahirap, o kaya ang dahilan kung bakit mahirap ang mgmahal ng totoo.. kung bakit nahihirapan tayong mgdesis buhayyon… dahil nakikita natin kung ano ang nangyayari sa buhay ng mga tao sa paligid natin… salamat sa tugon lambing 🙂

  2. kape tayo?

    • cge bah.. black lang po sa kin…

  3. di naman mahirap magmahal, nagiging mahirap lng nman ito pag di mo nakukuha ung ineexpect mo. Naisip mo na ba kung mahirap mahalin ang kapatid mo o ang magulang mo, ang pamilya mo? Nde naman db? Basta alam mo na mahal mo sila.

    Ang mahirap lng tlga ay pag di mo nakukuha ung tipo ng pagmamahal ng ineexpect mo. Kaya wag na magkaroon ng expectations. Magmahal ka na lng ng walang ineexpect na kapalit at sigurado di ka mahihirapan.

    Salamat nga pala sa pagbisita sa aking mumuntihing blog! ^ ^,

    • walang anuman 🙂 salamat din sa pgbisita dito 🙂

      yun na nga ang problema eh,bat d ko makuhang mgmahal ulit? hahaha at bat hindi ko makuhang magmahal sa isang tao katulad ng pgmamahal ko sa aking mga kapatid.hehehe

  4. ”mhirap mg mahal lalo na kng minsan pnaparamdam sau hinde ka m4tante sa kanya…kht alam mo linuloko ka nya!pro okz lng un m4tante pnapakita mo sa knya effort mo kung gaanu xa ka m4tante sau…drating din ang araw sasabihin nya syng dpt nuon pa,…dpt dko xa hinayaan mwala xa skn…!

    • tama ?pero para sakin hirap parin mag mhal?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: