ang aking gitara

my guitar

matagal ko na palang hindi nagagamit ang aking gitara,palagi nalang syang nakatambay sa isang sulok ng aking kwarto.

naaalala ko pa kung bakit ko ito binili apat na taon na ang nakakaraan…

may kapitbahay ako na mga rakista, may drums, electric guitar at simpleng gitara sila, minsan naiinis at nagagalit na ako dahil ang lakas-lakas nilang mgpatugtog ng musika, kahit na malapit na ang exams, wala ata silang pakialam. maraming beses na kaming nag-aaway dahil parang wala silang konsiderasyon sa mga kapit-bahay nila, pare-pareho lang naman kaming ngbabayad at ng-aaral. nung kalaunan, bumili nalang ako ng gitara dahil sabi nga nila “if you can’t beat them,join them” kaya nakisali na ako. total matagal ko naman din gustong matutong tumugtog ng gitara, ayun tinuroan nila ako,mas naging close kami,at madali lang pala silang paki-usapan na wag munang mag-ingay dahil exams na. hehehe

may natutunan ako ng kunti, at nung nagtapos na ako ng kolehiyo at umuwi dito sa bukid, wala na akong panahong tumugtog ulit nito, wala na pala sya sa tono.

katulad ko,palaging sintonado.

Published in: on December 20, 2009 at 4:11 am  Comments (10)  
Tags: ,

Loving Pink’s Giveaway

Mini COntest @ Loving Pink

Prizes:

Prize 1
1yr .info domain
with Unlimited Hosting
300php Load or $6

Prize 2
1yr .info domain
with Hosting

Prize 3
1yr .info domain
with Hosting

Consolation Prize
Subdomain/or Domain
15G Hosting

Mechanics:

1. Subscribe to her website RSS feeds:
– Loving Pink (ilove-pink.info)
– Color Me Rainbow (color-me-rainbow.blogspot.com)
– I love You Angel (143angel.com)

*Make sure you verify the email address you will use.

2. Follow her on twitter(twitter.com/twinklepuff)
3. Repost this in your blog, make sure it’s a separated post.
4. Leave her a comment with the email you used for subscribing in her websites’ RSS feeds, the link to your blog post and your twitter id.

Published in: on December 17, 2009 at 11:18 am  Leave a Comment  
Tags: , ,

Mailap ang Pag-ibig

michael and jenny

sila yung team KOH SAMUI sa ultimate thailand explorers…

nakilala ko nung youth summit sa Kuala Lumpur… hindi nga nila ina asahan na manalo sila at makuha na delegates sa SEACHANGE, buti at silang dalawa talaga ang nakuha…

bakit nga ba mailap na pag-ibig ang title nitong post na eto? kasi ibang klase din ang pagmamahalan nila, long-distance kasi… makikita nyo ito sa blog nila sa www.ultimatethailandexplorers.com

at kaya ko sinasabing mailap ang pag-ibig ay dahil iilan lang ang nakilala kong tunay na ngmamahalan at isa na sila roon… mailap ang pag-ibig para sa akin…

at dahil Pilipino tayo, tulungan natin silang manalo sa ultimate thailand explorers challenge… mg sign up po tayo at mg vote tulungan natin silang manalo.. join sa www.ultimatethailandexplorers.com… at pwede rin tayo manalo bilang voters, $2500 worth of travel package sa Thailand at HTC phone…

Published in: on December 17, 2009 at 9:25 am  Comments (6)  
Tags: ,

Yuga-Tech Great Giveaway Christmas Treat

The Yuga Tech Give-Away

Starting this week, yugatech will be doing a series of different contests for their “YugaTech Great Gadget Giveaway” with a major theme around it. It will be really simple and have easy mechanics. 

For my twittermates here is how to join:

1) Follow @abeolandres and @talk2globe on Twitter.

2) Post a tweet “Just entered to win a Modu Phone. Quick! Go follow @abeolandres and @talk2globe and retweet: http://www.yugatech.com/blog/contests/yugatech-contest-1-merry-tweetmas/#comments #thanks2yugatech

For my bloggermates, this is for you :

1) Blog about the “YugaTech Great Gadget Giveaway”. Include the photo I posted here and link to this contest page.

2) Don’t forget to include in your post the mechanics for the Twitter contest above.

3) Leave a comment here with the URL of your entry.

For those who have no twitter accounts or blogsites, here is something for you :

1) Leave a comment on this contest page with the answer to this question — “If you’re stuck in an island with a phone and only have one call left, who would you call and why?“.

So, what are you waiting for?:)

Published in: on December 16, 2009 at 12:33 pm  Comments (2)  
Tags: , , ,

Johnson’s Body Lotion

24hour lasting moisture body lotion and melt away stress daily calming lotion

 

Galing ako sa aking napakabigat na trabaho (oo, mabigat literally dahil kailangan kung mgbitbit ng kahong-kahon na coke) at pagod2 dahil na rin sa init ng araw, ngunit pagdating ko sa bahay, nawala lahat itong pagod at hirap na nadama ko.

Bakit? Dahil natanggap ko ang isang munting regalo mula sa Johnson and johnson 🙂

Tuwang-tuwa ako dahil wala naman akong masyadong ginawa kundi ang mg sign-up lamang sa kanilang website, at mg refer ng limang kaibigan at kaagad napadalhan ako ng lotions. Salamat talaga…

baka naman mayroon pa, mg sign-up na rin kayo dito.

Published in: on December 15, 2009 at 9:03 am  Comments (11)  
Tags: , ,

SEAChange

Seachange Philippine Delegates

Aba disyembre 15 na, naalala ko tuloy ang nobyembre 15 at ang aking unang tapak sa bansang banyaga. First time kong makasakay ng eroplano dahil sa SEACHANGE, first time kong makapunta ng Maynila at maka paglibot dito, first time kong makasakay ng eroplano palabas ng Bansa at first time kong makapunta sa Bansang Banyaga. Dahil lahat sa SEACHANGE at sa organisasyong bumuo nito. Ano nga ba ang SEACHANGE? Ibig sabihin nito ay Southeast Asia Youth Change. Isa itong pagpupulong na naganap noon Nobyembre 16-17 sa Putrajaya International Convention Center, Kuala Lumpur, Malaysia. Hindi ko talaga inaasahan na isa ako sa mapipili para lumahok dito. Dahil ang sumali sa movement ay mahigit limandaang libong kabataan mula sa iba’t ibang bahagi ng Southeast Asia. At mapalad na limandaan lang ang mapipili at malilibre ng tiket papunta ng Malaysia at pauwi sa sariling Bansa, akomodasyon sa hotel, pagkain at alawans. Wala sa hinagap ko na ako na isang walang magawa sa buhay eh mapasama doon. noong una akala ko pa nga ay isa itong panloloko, dahil sino nga naman ang gagasta ng ganon ka laki para sa mga kabataan at sa internet lang sumali, dba? Ngunit malaking pasasalamat ko rin at hindi ito isang scam lamang.

Napakagandang tsansa yun na hindi ko pinalagpas. Sino nga ba ang mag-aakalang ganun pala kaganda ang layunin ng mga taong bumuo nang SEACHANGE? Speakers namin ang mga kilalang tao na sa panaginip ay di ko akalain na makikita ko sa personal.

Sila ang tinuturing na “Agent of change” ika nga… Nandun si Bob Geldof, Biz Stone, Nando Parrado, Tony Fernandes, Garry Kasparov, Dr. Mamphela Ramphele, Randi Zuckerberg, Yashmant Sinha, Long Yongtu, David Magliano at Narain Karthikeyan. Isama nyo pa si Donald Trump at si Lorraine Hahn. Muntik pa ngang mapasama si Obama dun eh. Busy lang sya. hahaha

Marami akong natutunan, at marami akong napuntahan. Marami akong nakilala, at marami akong naintindihan.

Sana nga lahat ng tao, bata o matanda, lalaki o babae, muslim o katoliko, ay magkaroon ng isang paniniwala. Paniniwala ng kaya nating baguhin ang nakagisnan na nating maling kultura at mga maling paniniwala, para magkaisa at umunlad ang ating bansa. Dahil walang mangyayari kung lahat tayo ay gustong umasenso, pero wala tayong pakikipagkapwa-tao.

Obama and Me

Published in: on December 14, 2009 at 5:24 pm  Comments (6)  
Tags: , ,

ang sampu kong kahilingan

Malapit na pala ang pasko. Kasi marami na ang namamasko dito sa bahay namin. Pag nagpapasko na, ano ba ang nasasaisip nyo? Kasi pag Disyembre na, naiisip ko agad ang hamon, keso-de-bola, fruit salad, cheese cupcake, at ice cream. Naiisip ko rin ang mga regalo. Regalo na kailangan kong bilhin para sa mga mahal ko sa buhay. At regalo na matatanggap ko mula sa aking mga kaibigan at kapamilya. Kaya heto, gumawa ako ng listahan ng mga regalong gusto kong matanggap mula sa inyo, sana mabasa nyo ito para may idea na kayo.

1. Hotel Accomodation at Pocket Money sa pagpunta ko ng Malaysia at Thailand – kasi Ticket lang ang napanalonan ko, hindi kasama yung accommodation at pocket money, kawawa naman ako pg wala akong matulogan dun dba? ~CHECK!!! somebody gave me 200us dollars and 230 thailand baht!!! YEPEY

2. Ink (para sa brother DCP-150C) – may printer kasi ako dito, di ko naman nagagamit dahil wala akong ink, kahit dalawang buwan na supply lang, tama na sa akin yun.~:(

3. Stylus (sony-G900) – kasi nakakatatlong stylus na ako, lahat sira na… pasko naman dba, yun nalang ibigay nyo sa akin :)~di ko na kailangan…

4. IPOD – kasi wala ako nyan, matagal ko nang gusting mgkaroon, d ko naman kayang bilhin, kaya kayo nalang po bumili.~i’ll try to win it in a contest nalang…

5. Laptop – kahit ACER lang, wag na yung Macbook, Okay na Okay na ako dun :)~i bought one for myself… (credit card..wehhhh)

6. The LOST SYMBOL – yung book ni Dan Brown, kahit yung paperback na lang… wag na yung hardbound :)~who wants to lend me one?

7. Flash Drive – nasira kasi yung 4gb ko na flash drive, at nawala alhat ng files ko… d bale nay un, kailangan ko talaga ngayun ng bago…~my brother gave me one…

8. Taguan-Pung at Manwal ng mga Napapagal – yung aklat ni Eros Atalia, kasi wala na talaga akong mahanap sa mga bookstore ditto sa Mindanao eh.~wala pa rin ako nito:(

9. Little black dress – yup, kailangan ko yun, kasi dba dapat daw sa closet ng isang babae mayroon dapat little black dress, para daw may magamit for emergency cases.~eto rin wala….

10. Ipanema – kasi matagal na akong nghahangad mgkaroon, at naputol na lahat ng Havaianas ko. Kaya kailangan ko na ng bagong tsinelas.~my mom gave me a new pair of havaianas 😀

Sa lahat ng nakabasa nito at sa lahat ng kaibigan at kapamilya ko, maari po kaayong mgkomento dito para malaman natin na hindi kayo dalawa na mgbibigay ng parehong regalo sa akin… hahahaha

Published in: on December 14, 2009 at 3:07 pm  Comments (7)  
Tags: , ,

GiveAwayTime (at) shop N’ chomp

is one of these things in your wishlist this Christmas?


* Tsumori Chisato 2010 calendar book
* Limited Edition Tsumori Chisato for Shu Uemura mirror with pouch
* Handmade gold leaf stud earrings
* Various sheet masks
* 2 boxes of Revlon Runway Collection artificial nails


shop n’ chomp is giving all of these away…


visit this link to know more ….

Published in: on December 14, 2009 at 1:14 pm  Comments (2)  
Tags: , ,

Marriageandbeyond.com turns 2 this December

Marriage and Beyond Turns two with a contest… They are giving away “the New Dare to Discipline” book and a starbucks GC …

If you want to join the contest, visit marriageandbeyond.com or click this link..

I want to win this book, and i want to have that GC 🙂 but all is fair in love and life, so why not join in the fun???:)

Published in: on December 14, 2009 at 12:44 pm  Leave a Comment  
Tags: , ,

Ligo na U, Sulat na ME :)

Isang Nobela ni Eros Atalia… WOW, galing ni Eros, marunong din pala syang mgsulat ng libro tungkol sa pag-ibig.. Ito po ay parang pocket-book lang na nabibili sa kanto. Kasi may bidang lalaki na umibig sa bidang babae, nawala si bidang babae at iniwan bigla si bidang lalaki, nasaktan si bidang lalaki at laging nghahanap at nag-iisip kay bidang babae. Malamang may part II ito.  Hihintayin ko Eros. Yung part II.

Patikim:

Sabi nga nila, ang pagmamahal daw ay umuusbong kung saan ka pinakamalakas hindi kung saan ka pinakamahina. Dahil doon nanggagaling ang yung lakas, mapapansin mo na lang na lalo kang lumulakas kapag naroroon ito at unti-unti kang mapanghihinaan kapag ito’y nawala. Kaya pala hindi mapaghiwalay ni Pop-Eye si Olive Oyl sa kanyang spinach, Andres Bonifacio kay Gregoria de Jesus at sa kanyang init ng ulo, sa pagka-gigolo ni Jose Rizal kay Josephine Bracken, sa star complex ni Superman at kay Louise Lane, sa ‘world peace’ ni John Lennon at kay Yoko Ono at sa marami pang ibang na-infect ng “I love You Virus”.

Published in: on December 13, 2009 at 5:45 am  Comments (8)  
Tags: ,