abril 20, 2007
- ipinanganak kita…
hindi ko pinagsisihan ang pagiging dalagang ina
lubos akong ngpapasalamat sa pagdating mo sa aking buhay
binago mo ang aking mga pananaw
at ipinagpapasalamat ko sa Diyos yun…
hindi man kita mabigyan ng kumpletong pamilya,
sana sapat na ang pagmamahal ko at pag-aalaga sa iyo para mabuo ang iyong pagkatao…
abril 20, 2010
- pagkatapos ng tatlong taon, heto tayo ngayon…
malayo na ang ating narating,
sabay nating abutin ang mga pangarap ko para sa iyo anak…
ang mabigyan ka ng magandang buhay,
ang matugonan ang iyong mga pangangailangan…
maligayang kaarawan anak…
nagmamahal,
Nanay…
















