Ligo na U, Sulat na ME :)

Isang Nobela ni Eros Atalia… WOW, galing ni Eros, marunong din pala syang mgsulat ng libro tungkol sa pag-ibig.. Ito po ay parang pocket-book lang na nabibili sa kanto. Kasi may bidang lalaki na umibig sa bidang babae, nawala si bidang babae at iniwan bigla si bidang lalaki, nasaktan si bidang lalaki at laging nghahanap at nag-iisip kay bidang babae. Malamang may part II ito.  Hihintayin ko Eros. Yung part II.

Patikim:

Sabi nga nila, ang pagmamahal daw ay umuusbong kung saan ka pinakamalakas hindi kung saan ka pinakamahina. Dahil doon nanggagaling ang yung lakas, mapapansin mo na lang na lalo kang lumulakas kapag naroroon ito at unti-unti kang mapanghihinaan kapag ito’y nawala. Kaya pala hindi mapaghiwalay ni Pop-Eye si Olive Oyl sa kanyang spinach, Andres Bonifacio kay Gregoria de Jesus at sa kanyang init ng ulo, sa pagka-gigolo ni Jose Rizal kay Josephine Bracken, sa star complex ni Superman at kay Louise Lane, sa ‘world peace’ ni John Lennon at kay Yoko Ono at sa marami pang ibang na-infect ng “I love You Virus”.

Published in: on December 13, 2009 at 5:45 am  Comments (8)  
Tags: ,

PEKSMAN tungkol talaga ito sa aklat ni EROS

PEKSMAN (mamatay ka man) NAGSISINUNGALING AKO – ito ang titulo ng ikalawang aklat ni EROS ATALIA.

Sino ba si Eros?  Ako, d ko rin sya kilala. Ang nakasulat lang sa likurang bahagi ng aklat ang alam ko tungkol sa kanya. Sya raw ang ngtapos ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino sa PNU.

Bakit ba nabasa at napag-alaman ko ang kanyang aklat? Dahil sa pagbabasa ko ng magasin. Nakita ko sa isang magasin ang kanyang aklat, sinabi nitong maganda daw basahin ang PEKSMAN. Na engganyo ako dahil dapat daw humanda si Bob Ong. Kilala naman siguro natin kung sino si Bob Ong.

Kaya ng mapadpad ako sa isang malaking bookstore, hinanap ko agad ang PEKSMAN. Mura lang naman pala kaya binili ko na. Tangkilikin ang sariling atin. Para naman umunlad ang ating mahal na Bansa.

Maganda naman pala ang kanyang aklat, di ka manghihinayang sa perang pinag-ipunan mo.  Wala akong masabi masyado dahil baka sabihin eh kinokopya ko na ang aklat nya. Ang alam ko lang sinulat nya kung ano ang sa tingin nya eh talagang nangyayari sa bansa natin.

Ito lang ang gusto kong e-share :

Masarap panoorin ang balita dahil kitang-kita dito ang mga totoong tao pero isip cartoon characters. Nagpapatawa sila kahit seryoso,nakakatawa ang pagseseryoso, nagpapatawa habang nang-uuto at nakatatawang mang-uto.

Published in: on December 12, 2009 at 2:44 am  Comments (18)  
Tags: ,
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.